[10]

20 4 0
                                    


--

[LOURDES]

Past 10pm na nang magising ako. Nakahiga na ako sa couch at ang tanging ilaw na nakabukas ay ang sa kusina. Sobrang bigat pa ng talukap ko pero kailangan ko nang bumangon para makauwi na ako. Hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam ko nang makaupo ako. Alam niyo iyong kapag may mens tapos magdamag kang nakahiga kaya pagbangon mo tuloy-tuloy iyong paglabas ng dugo? Ganoon ang feeling ko. Kadiring metapora, oo. Hehez. Kumbaga parang iyong kaluluwa ko ay dumadausdos pababa tapos biglang may mahuhulog na bago mula sa langit. Ah, basta.

Tumayo na ako at naglakad papuntang kusina para uminom ng malamig na tubig. Medyo sober naman na ako. Humihilab nga lang ang tiyan ko. Heto ang napansin ko sa sarili ko, never pa akong nagsuka sa inuman. Ke during pa iyan o after, hindi talaga. Akala niyo maganda iyon??? Hindi!!! Ang sama sa pakiramdam. Watdahek. Feeling ko ang dumi-dumi ko. Chars.

Pagkatapos uminom ay chineck ko ang mga tao na naroon. Isang kwarto lang ang meron doon. Sa kama ay naroon ang magjowa at sa sahig naman ay magkatabi sina Roan at Angel. Wala si Mimi pati na rin si Kano na ipinagpapasalamat ko dahil kahit medyo may tama ako ay hindi ko alam kung paano haharapin ang taong nakamomol ko lang kanina. >____< Hindi ko inaasahan na dadating agad ako sa ganitong stage. Huhu, yawq na talaga uminom. Opo.

Pero doon na lang tayo sa bright side. Wahaha. Imposible namang makita ko na ulit si Kano dahil sure ako na matagal ulit kami makakapagbonding nila Pham. Bakit the situation sounds familiar? Suddenly, biglang nagplay na naman sa utak ko ang gabing iyon. 'Yong fireworks, 'yong tao, pati 'yong pakiramdam. Awit, mga alaala'y bumabalik. 'Coz the drinks bring back all the memories???

I sighed and shrugged the thoughts away. Napagdesisyunan kong huwag na lang silang gisingin. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at siniguradong nakalock iyon pag naisara ko na. Nevertheless, alam kong safe naman sila dahil bigtime naman itong bldg. nila Pham at sure akong mahigpit ang security dito. Ichachat ko na lang agad si Pham kapag nakasakay na ako ng sasakyan pauwi.

Pagkalabas ng bldg. ng condo nila Pham ay kailangan ko pang lumiko ng dalawang beses para makarating sa kanto kung saan ang labasan papuntang sakayan. Straight pa naman akong lumakad kaso hindi ko maiwasang gumewang-gewang ng kaunti. Awit, weak ka Loulou???!!!

Hindi naman na ako nahirapan makasakay ng UV dahil Linggo naman at gabing-gabi na rin. In short, bakit nasa labas pa ako ng bahay? Chars. Nagtaasan naman ang balahibo ko nang salubungin ako ng artipisyal na hangin sa loob ng sasakyan. Nasa gitnang bahagi ako sumakay at sumiksik ako sa pinakadulo. Dalawa lang kaming pasahero, iyong isa ay nasa tabi ng driver's seat. Saglit akong tumitig sa labas. Napakasarap mag-emote. Ang ganda ng tugtog, Don't Fall In Love With a Dreamer ni Kenny Rogers.

Nahinto lang ako sa pag-eemote nang makarating na kami ng Morayta. Tumigil muna si Manong para maghintay ng pasahero. Bago ko pa makalimutan ay nilabas ko na ang phone ko para ichat si Pham. Nagpasalamat ako at sinabing tulog na tulog na sila kaya 'di ko na sila ginising.

Tumitig akong muli sa kawalan tapos ay bahagyang idinausdos ang katawan ko para maisandal kahit kalahati man lang ng ulo ko sa sandalan saka ako pumikit. Aack. Gusto kong humigop ng sobrang init na sabaw.

Narinig ko namang bumukas ang pinto ng UV senyales na may sumakay na pasahero. Hihilahin na sana ako ng antok nang maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Tamad kong minulat ang mata ko para tingnan kong sino ang tumatawag. Tila nabalik ako sa katinuan nang makita ko na ang nanay ko ang tumatawag.

Umubo muna ako bago sinagot iyon. "Hello Ma..."

[Ano na, Lourdes Mari??? Nakalimutan mo na yatang umuwi??? Ano, may inuuwian ka ng iba?]

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon