--[LOURDES]
Sino ka nga ba? Bakit kita kilala? Bakit ako pamilyar sa'yo kahit isa ka namang estranghero? At bakit ganyan ka na naman kung tumitig sa akin?
"Narito na tayo."
Agad akong nag-iwas ng tingin nang magsalita ang driver. Tumigin ako sa labas at maliwanag na ang paligid. Meron ding mobile car na nakaparada sa may gilid. Nasa police station na nga kami.
Binuksan ko ang pintuan sa tabi ko pero hindi iyon nagbubukas. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko namang nakatingin sa akin si Migy. Potek. Saan ba makakahanap ng interpreter ng nagsasalitang mata? Hehe.
Bahagya niyang itinabingi ang ulo na para bang sinasabing sa pinto sa tabi niya na lang ako dumaan. Hindi talaga siya nagsasalita, ahe. Iyong mga sinabi niya kanina habang nangyayari ang holdapan ang pinakamahaba kong narinig na salita mula sa kanya, so far.
Nauna siyang bumaba ng sasakyan at sumunod naman ako. May sumalubong naman sa amin na pulis at si Migy ang kumausap roon. Pinapasok kami sa loob ng station at doon ay may kumausap sa aming babaeng pulis. Katabi ko si kuyang driver at si Migy naman ay nasa harap ko. Para kaming may report tapos si Migy ang leader kasi siya lang ang nagsasalita. Siya ang nag-eexplain ng buong pangyayari dahil tutulog-tulog ako kanina 'di ba? Hinihingian pa nga siya ng sketch ng holdaper pero hindi konkreto ang naging deskripsyon niya dahil nga madilim ang paligid.
Bakit gan'to 'tong taong 'to? Kapag sa akin, 'di nagsasalita. Kapag ibang bagay, 'di maubusan ng sasabihin. Am I not that important? Charot.
"Aaksyunan agad namin ito, sir. Maraming salamat sa pagrereport." pagsasara ng pulis sa usapan.
"No problem, officer. I really hope malessen na ang ganitong incident. Those people who work hard to earn money don't deserve to experience horrible things just like what we've experienced earlier."
Siguro kung nakikita ko lang ang sarili ko ay tiyak na kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ko. Hindi ko maiwasang hindi mamangha kay Migy. Kumbaga sa accounting, substance over form itong taong 'to. Naalala ko iyong una ko siyang nakita. Ang tapang ko sa part na 'yon, e, ano?
"Excuse me but you don't know me..", finally ay nagsalita na siya. Well, just to save himself. Disappointed but not surprised.
"Then prove it."
"Prove what?", naguguluhan niyang tanong.
"Prove to me that I don't really know you."
Ngayon masasabi ko na, hindi ko nga talaga siya kilala. We're just merely strangers to each other. I was wrong to judge him agad. Sinakripisyo niya pang ibigay kanina ang mga gamit niya para lang hindi gipitin ng holdaper si kuyang driver.
"Lourdes." I was slightly taken aback when Migy said my name. Ang cute, kilala niya ako. Stalker amp,, Chos. Ako nga kilala ko siya, e. Ba't pa ako magugulat na kilala niya ako? Tumayo agad ako nang makitang nakatayo na sila Migy at kuyang driver.
"H-Ha? Aalis na ba tayo?", tanong ko.
"Oo, ineng. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi nagsasalita, e. Siguradong natakot ka kanina." si kuyang driver ang sumagot.
"Ah, o-opo. Ayos lang ako." Hindi ko alam kung dahil ba sa tama ng alak kaya madali akong nakarecover sa katotohanan na kanina lang ay may nakatutok na baril sa akin. Pucha. Sinong niloko ko na hindi ako natatakot??? Muntik na nga ako maihi sa sasakyan kanina, e. Pero alam kong isa sa nakabawas ng takot ko noong makita ko si Migy. "Babyahe pa po ba kayo pa-Fairview?", tanong ko. Alam ko kasi si Migy ay may magsusundo sa kanya.
