[7]

15 5 0
                                    


--

[RY]

"Tangina Ry. Ang laki-laki nitong UST, saan naman natin hahanapin si Lou niyan?"

"Hindi ko din alam, okay? Ikaw kasi puro kalokohan, e."

Tapos na ang fireworks display kaya naman 'yung iba ay nag-uuwian na. Kami naman ay hindi makaalis dahil hindi pa namin makita si Lou. Kanina kasi habang nakasalang ang Ben&Ben sa stage, tawang-tawa kami ni Joey kasi ang lakas kumanta ni Lou tapos wala naman sa tono. Tapos biglang sinuggest ni Joey na taguan namin si Lou so ang plano namin ay lumabas ng crowd para if ever marealize ni Lou na wala na kami sa tabi niya, 'yun din ang gagawin niya ---- ang lumabas ng crowd. Pero pumalpak kami sa part na 'yun dahil nu'ng palabas na kami biglang nagkatulakan kanina kaya ang ending napush kami lalo ni Joey pakaliwa hanggang matrap kami sa pinakagitna. Dahil doon, nahirapan lalo kami ni Joey makalabas. Nagtry naman kami kaso nagagalit 'yung mga taong nababangga namin. Sinubukan naming kontakin si Lou kaso walang signal ang mga phone namin. Hanggang sa umulan, hindi pa rin kami nakakuha ng chance na makaalis ng crowd dahil nagtalunan pa lalo ang mga madla na para bang nasa rave party kami kaya naman lalo kaming natulak papuntang unahan at oo, basa kami ngayon. Hanggang sa matapos nga ang fireworks display na hindi namin gaano na-enjoy dahil wala si Lou sa tabi namin. :((((

"Nasaan na ba 'yung kaibigan mong si Xavier? Baka pwede tayong magpatulong sa kanya." sabi ko kay Joey habang nakatingin pa din sa mga taong naglalakad paalis ng open field.

"Wala pa ring signal, sis. Hindi ko siya ma-contact." sagot ni Joey.

"Sa labas na lang kaya tayo maghintay or sa malapit na convenience store. Siguro naman doon merong signal." suhestiyon ko.

"Pwede naman. Kaso baka nandito pa din si Lou sa loob, hindi pa rin natin siya makokontak dahil for sure wala ding signal ang phone nu'n."

Tango lang ang naisagot ko sa kanya dahil tama naman siya. Kung tutuusin pwede naman kaming umuwi na dahil hindi naman mahihirapan si Lou umuwi if ever dahil mayroon namang sakayan pa-Fairview sa labas kaso baka magtampo 'yun. Hindi pala baka, magtatampo talaga 'yun.

"Hindi kaya umuwi na 'yun?" tanong ni Joey.

"Hindi pa naman siguro. Alam ko, wala ding dalang payong 'yun kaya baka basa rin siya kagaya natin. Hindi 'yun maglalakas-loob na sumakay ng jeep dahil mahiyain 'yun kapag mag-isa lang." I stated as a matter of fact.

Bumuntong-hininga si Joey. "LOURDES!" nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Napatingin tuloy ang ibang dumadaan sa kanya. Natawa na lang ako at hinayaan siyang sumigaw. "LOURDES VILLAMOR!"

"LOURDES!" nakisigaw na din ako.

"LOU-----"

Naputol ang tangkang pagsigaw ni Joey nang may makita kaming pigura ng babae na tumatakbo palapit sa amin. Basa rin ito at humahangos itong tumigil sa harap namin. "Tangina!" mura nito tapos ay pinunasan niya ang mata niya. Hala. Umiiyak ba siya???

Nagkatinginan kami ni Joey tapos tumingin kay Lou. "Huy Lou! Sorry na. Hindi naman namin balak iwan ka, e. Tataguan ka lang naman talaga dapat namin." agad na paliwanag ni Joey.

Napatigil sa pagpunas ng luha si Lou tapos nakakunot ang noong tumingin sa amin. "Tinaguan niyo ako???"

Tumango ako. "Oo. Kasi naman feel na feel mo 'yung pagkanta kanina kaya naman tataguan ka sana namin."

Sumimangot siya. "Anong sana? E talaga namang tinaguan niyo ako."

"Gaga hindi! Hindi natuloy 'yung plano namin kasi naipit kami tapos natulak papuntang unahan." pagpapaliwanag ni Joey.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon