[2]

33 4 0
                                    


--

"Uy Lou, shot daw mamaya!"

"Ge. Anong oras?", sagot ni Lou kay Ben habang nagsasagot ng libro niya sa partnership. Naramdaman ni Lou na napatingin si Ry sa direksyon niya. Syempre kung meron siyang life buddy, meron din siyang life destruction buddy. Charots.

"Yown! 9pm. Sa may Tomas Morato. Walang takbuhan ah!"

Tumigil sa pagsusulat si Lou at seryosong tiningnan ang kaklase. "Ang alak ay isang biyaya. We shall not run from it...", tila isang makatang usal ni Lou kaya naman natawa ang mga naroon.

"Loko! Ge, aral ka na diyan!", nakangiting sabi ni Ben at lumabas na ng classrom nila.

"Ano 'yun? Alam ba 'yan ni Tita?", tinutukoy ni Ry ang nanay ni Lou. Hindi naman siya tutol sa pagiging tanggera ng kaibigan niya. Sa katunayan nga ay si Ry, kasama na din si Joey, ang laging nagsasabi ng mga do's and dont's sa inuman kahit wala naman silang experience ni Joey. Buti na lang at matalino when it comes to life matters ang mga kaibigan ni Lou.

"Ako bahala. Basta handa mo lang ang apartment mo", sagot ni Lou at kinindatan ang kaibigan.

Napailing na lang si Ry. Grabe. Sobrang bait talaga ng kaibigan niyang nagngangalang Lou.

//

"Hello, Ma..."

"Oh, bakit?", sagot ng nanay ni Lou mula sa kabilang linya.

Huminga muna ng malalim si Lou habang si Ry naman ay natatawa na lang. "Ano kasi... May tatapusin po kaming requirement na kailangang ipasa po bukas para ano... sa susunod na linggo wala na po kaming klase. Bale kanila Ry muna po ako matutulog. Kagrupo ko po kasi siya...", nakagat ni Lou ang labi habang nakapikit ang isang mata. "Sana tumalab", paulit-ulit niyang sabi sa isip.

"Baka may boyfriend ka na diyan, ah...", sagot ng ina niya. Napangiti si Lou kasi alam niyang papayag na ang mama niya.

"Opo, Ma. Papakilala ko diyan kapag meron na", sagot ni Lou sa ina.

"Aba! Huwag ka nang umuwi dito!", galit na sabi nito. Napasimangot si Lou sa sagot ng ina. Ang labo kasi. Ipupush na meron tapos magagalit pag meron talaga. "Kakausapin ko si Ry!"

"Po?", kunwari'y hindi narinig ni Lou ang sinabi ng nanay niya tapos ay tinuro niya si Ry sunod ay ang phone niya. Nagets naman ito agad ng kaibigan niya.

"Si Ry kako..."

"Sige po. Eto na...", pinalaki ni Lou ang butas ng ilong tapos ay natatawang inabot ang phone niya sa kaibigan.

"Hello po, Tita", malambing na bungad ni Ry sa ina ng kaibigan. "Yes po... No problem po, Tita... Hahaha. Naku, wala nga pong nanliligaw Tita eh... Opo... Thank you po...", binigay ni Ry ang phone sa kaibigan.

"Hello po, Ma..."

"Kadiri ka, wala kang dalang damit", biglang sabi ng nanay niya. Napasimangot tuloy si Lou.

"Okay lang po yan. Uuwi din naman po ako bukas, eh", palusot ni Lou.

"Sige na. Ingat ka diyan..."

"Sige po, Ma. Babye...", sagot ni Lou at pinatay na ang tawag. "Oh, diba? Ez!", mayabang na sambit ni Lou kay Ry. Sanay naman na si Ry kasi sa 500 na gala ni Lou, 10 lang yung alam ng nanay niya, yung walang halong kasinungalingan ang pagpapaalam.

"Ewan ko sa'yo, Lourdes. Basta mag-ingat ka mamaya. Hindi tayo likeable enough pero tandaan mo na may perlas tayo down there na pilit inaangkin ng mga Chinese. Charot!", pagbibiro ni Ry.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon