--[LOURDES]
-ONE MONTH LATER-
Halos pagapang akong naglakad palabas ng room kung saan ako nag-exam. Tumitibok-tibok pa ang ulo ko at para na itong sasabog. Jusq. Luca Pacioli. Kunin mo na ako sa mundong ito!!! Kinginang Camila Corporation 'yan, papalit-palit ng depreciation method ampoka tapos wala pang tigil kaka-impair. 'Yong totoo????!!!! Kaya today?
Kinuha ko ang phone ko para imessage sila Ry at Joey na mauuna na akong umalis. May ganap kasi ngayon 'yung bessywap ko noong high school na si Pham. Bale papakilala niya 'yung jowa niya ano po. 'Yon na 'yon. Sa may Quiapo pa naman ang unit ni mamang. Tiningnan ko ang orasan para estimahin kung anong oras ako makakarating roon. 2:49pm pa lang. Hindi ko pala nasagad 'yung time ko sa pagsagot ng exam.
Sumibat na agad ako ng school dahil alam ko namang kahit linggo ay super traffic. Yes, legarda. Forever na 'yan, ano? Nagtext na rin ako kay Pham na on the way na ako. Halos one hour din ang naging byahe ko bago ako makarating sa bldg. ng unit ni Pham.
Nagpasundo ako sa kanya sa lobby at ilang segundo muna ang lumipas bago ko siya makitang naglalakad palapit sa akin. "SIIIIIIIS!!!", masaya niyang bati pagkakita sa akin tapos ay niyakap niya ako. "Ang wholesome ng outfit natin, a." puna niya sa suot ko pagkabitaw sa akin. Paano kasi ay nakawhite shirt ako at pants at black na rubber shoes na mukhang boots.
"Tungeks. Kakatapos ko lang mag-exam! Gan'to required na suot." sagot ko sa kanya.
"Ay, magaling. Pagkatapos abusuhin ang utak, atay naman. Nayswan, miss Lourdes!", pang-aasar ni Pham.
"Gano'n talaga. O, ano? 'Di pa ba tayo mag-i-start?", nasabi ko na bang iinom kami? O, ayan, alam niyo na. Hihi.
"Bumibili pa ng alak ang mixer natin." si Mimi ang tinutukoy niya. Maangas 'yon, erps. Kaya no'ng sindihan ang gin gamit ang kalan. "Saka may isa pa akong bisita na parating. Hintayin na din natin."
"Oh? Classmate ba natin 'yan?"
Umiling siya at tumingin sa entrance. "Hindi. Tropa ni jowa. Wala daw magawa sa bahay kaya ayun, inaya na ni myloves."
"Awit! Speaking of, taga-NU din ba jowa mo? Noice. Baka naman kilala niya si Shaun Ildefonso. Pareto ako kamo." Jusq. Kinikilig ako. Banggitin ko pa lang pangalan ni crushie, feeling ko ang ganda-ganda ko. Bwahaha. Taga-NU kasi si Pham e wala naman 'tong kwenta, 'di niya daw knows si bb Shaun. Sabi ko nga alamin sched ng practice sa b-ball para naman makanood ako e ang kapal naman daw ng mukha ko. Supportive, no?
"Gaga, hindi. FEU, teh." napakamot siya bigla ng ulo. "Grade 12. STEM. Hehe."
Nanlaki bigla mata ko. "AWIIIIT! 'DI NGA? Hala siya oy! Tirador ng SHS amp. Kawawa sa'yo."
"Oy, anong tirador? Baka ako tinira?", pagkasabi niyon ni Pham ay pinamulahan siya ng pisngi. Harujusko. Baby girl. Hahahaha.
Natawa ako bigla sa salitaan niya. "O edi sige. Jowa mo tirador ng college."
"E ikaw asan jowa mo?"
"Susunod daw." biro ko sa kanya.
Diskumpiyado naman si bakla sa naging sagot ko. "Wews. Kala ko ba single forever and ever ka?"
"Poka naman. Bakit may atake?", tumingin ako sa paligid para isalba ang sarili ko at sakto pagtingin ko ng entrance ay may papasok na papi. De legit. Hindi siya iyong mga bet ko na tall guy pero ang lakas ng appeal ng isang 'to. Nakawhite shirt si koya at jersey shorts. "Ayan o! 'Yang parating, jowa ko 'yan." biro ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Serendipity
Roman d'amourSerendipity (n): -finding something good without looking for it