[1]

56 4 0
                                    


--

"ALAM mo 'di kita gets. Magaling ka naman pero bakit di mo gawing all out?", sermon ni Ry at kumagat ng malaki sa kanyang FEWA.

"Ha? Hahahaha", sagot ni Lou sa kaibigan tapos ay humigop sa kanyang avocado shake. Nabilaukan siya ng batukan siya ni Ry. "Aray ko, girl!", nakasimangot na sabi ni Lou at binangga ang kanyang kamao sa kanyang baba.

"Cute mo! Bat wala ka jowa?", pang-aasar sa kanya ni Ry.


"Bwisit ka!", sagot ni Lou at itinigil ang ginagawa niya. "Kala mo siya meron." bwelta niya.


"Nye nye." inirapan siya ni Ry. "May assignment ka na sa Philo?", pag-iiba nito sa usapan.

"Ako talaga tinatanong mo niyan? Syempre!", mayabang na sabi ni Lou. "Syempre wala!", tapos ay tumawa ito.

Inirapan siya ni Ry. "Ano pa nga ba?", inilabas ni Ry ang notebook niya sa Philo at ibinigay ito sa kaibigan.


Tinanggap ni Lou ang notebook ng kaibigan at ngumiti ng malaki habang kagat-kagat ang straw ng shake na iniinom niya. Wala naman balak si Lou na kopyahin ang gawa ng kaibigan. Titingnan niya lang para makakuha ng idea. Bale iyong idea ang kokopyahin niya. Bwahahaha.

"May balak ka talagang gawing garden 'yung SIS mo 'no?", seryoso ang mukha ngunit nagbibirong tanong ni Ry.

"Ha---"

"Subukan mong ituloy! Gagawin kitang hotdog!", banta ni Ry sa kaibigan nang maramdaman niyang mag-aala memes na naman si Lou.

"Joke lang, mamsh. Hahaha. Bakit naman garden?"

"Puro butterfly kaya 'yung mga grades mo!", tinutukoy ni Ry ay ang mga tres na grade ni Lou.

"Cool nga, eh! Saka ayaw ko ng stress. Yes, acads is life pero ayaw ko naman mawalan ng social life."

"Pwede namang pagsabayin, ah!", sagot ni Ry.

"Edi namroblema pa ako kung paano ko babalansehin ang dalawa. Di na, uy! Ang mahalaga, masaya ako!", nagkibit ng balikat si Lou.


"Hay nako. Ewan ko sa'yo, Lourdes!", pagsuko ni Ry at kinain ang huling subo ng kanyang FEWA.


"Lou kasi!", reklamo ni Lou.


"Sorry, 'di pa kasi ako sanay! Kung naisip mo kasi 'yan nung first sem tayo edi sana hindi na ako nalilito."

"Obob pa kasi ako nu'n. Basta tawagin mo akong Lou para masanay bago nating clasamate!", utos niya sa kaibigan.


"Arte!"

Nagbelat lang si Lou kay Ry tapos tumawa. Actually, meron pa silang isang kaibigan, si Joey, pero nasa probinsya pa ito dahil namatayan ito ng kamag-anak.

Lourdes Mari Villamor. 18 years old. 1st year college. Accountancy student.

She's not everyone's ideal girl. Simply because wala siyang "looks". The very reason kung bakit hindi pa siya nagkakajowa.

Naniniwala siyang kaya lang siya ipinanganak sa mundo para maghugas ng pinggan, sama niyo na rin ang baso't kutsara.

If she's given 24 hours to meet the deadline? She'll probably spend the 23 hours, chilling. 59 minutes, panicking. And the last minute, doing it.

Malaki ang tiyan nito dati kaya naman nagdiet siya at nag-exercise siya para lumiit ito. Effective naman. Kaso nalagas yung laman ng dibdib at pwet niya. Pumayat pa ang mukha niya.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon