[6]

19 4 0
                                    


--

[LOURDES]

"We still have three meetings next year bago magmidterms. Susubukan kong pagkasyahin ng two meetings lahat ng magiging coverage para hindi na tayo magmeet sa natitira pang isang meeting. That way, you can still rest or study for your another subjects." anang professor namin sa Ethics. "Class dismissed. Happy holidays and enjoy your vacation!"

Pagkalabas ni sir ay awtomatikong umingay sa loob ng classroom namin. Nagagalak ang lahat dahil sa wakas ay bakasyon na. Kala mo naman mga nag-aaral nang mabuti. Naririnig ko ang iba kong classmate na nagpaplano na kung saan sila gagala ngayong araw. 10:30am pa lang kasi at  wala na kaming kasunod na klase.

"Mga sis!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Joey na nagsalita. Nasa likod ko lang silang dalawa ni Ry nakaupo. "May nagyaya sa'king tropa ko nu'ng high school."

Napanguso ako. Mukhang wala kaming ganap ngayong magkakaibigan ah. "Edi aalis ka na agad?" tanong ko sa kanya.

"Tanga! 'Di pa kasi ako tapos. Inaaya ako ng tropa ko sa Paskuhan sa UST. Syempre sinabi ko na may kasama ako at kayo 'yun!" excited niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ba? Wow, pangarap kong makapasok sa UST! Tapos pupunta pa tayo sa famous nilang Paskuhan? Wow!" mas excited kong saad.

Kumunot ang noo ko nang makitang nagtinginan sila Ry at Joey at parang nag-uusap ang mga mata nila tapos nagpipigil pa sila ng ngiti. Luh. Feeling ko joketime lang 'yung sinabi ni Joey tapos magdidiwang sila kasi uto-uto ako. :< "Bakit ganyan kayo magtinginan, ha??? Pinagtitripan niyo lang ako, 'no?" nakasimangot kong tanong sa kanila.

"Gaga. Special ka? May naalala lang kami ni Ry." sagot ni Joey.

"Ay wow! Bakit wala akong alam sa alaala na 'yan?" may pagtatampo kong sabi.

"Hindi ka naman kasi nag-online kagabi. May tinag kami sa'yong post ng L'Oreal. Mayroon silang promo ngayon na free application sa SM Manila." singit ni Ry.

"Since mamayang gabi pa naman 'yung event proper. Mag-makeover muna tayong tatlo kasi nakakahiya naman 'di ba. Amoy bvlgari mga tao du'n tapos tayo eto tamang try lang ng pabango sa miniso." ani Joey.

Napatango ako at chineck ang sarili ko. Buti na lang 'yung favorite kong marvel black shirt ang suot ko pati na rin 'yung lumalaban kong white fila shoes from Divisoria. "Buti na lang may dala akong pera. Kala ko naman kasi world of fun lang bagsak natin ngayon." anas ko.

"Magtaytay din kaya tayo para may maganda tayong outfit mamaya." yaya ni Ry.

Pinagbangga ni Joey ang palad niya at itinuro si Ry. "Good idea!"

"Luh gago ba kayo? Wala na akong pera saka okay naman na 'tong suot ko." reklamo ko sa mga suhestiyon nila. Unplanned moments are the best and at the same time, expensive!

"Don't worry, pauutangin ka namin kahit ikaw pa 'yung galit kapag sinisingil ka." saad ni Ry habang tiantapik ang balikat ko.

Wow. I'm touched kahit may pag-atake.

//

"Nakakabadtrip amputa. Ginupit na nga natin buhok natin tapos kelangan dalawang pack? Ulol nila." pagrarant ni Joey.

Nasa bus kami ngayon pabalik ng Pureza kung nasaan 'yung dorm ni Ry galing SM Manila. Nakapunta na kami ng Taytay pero bago kami pumunta ay naggupit muna kami ng buhok sa dorm nila Ry para nga hindi dalawang pack na pangkulay 'yung ipabili sa amin tapos after nu'n pumunta kami ng SM Manila para sa pakulay ng buhok pero hindi kami natuloy dahil required na dalawang pack para daw umepek kahit pa ang ikli na ng buhok namin. 'Yung akin nga ay lagpas lang ng kaunti sa balikat ang haba.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon