--[LOURDES]
Romantic. 'Yan lang ang tanging salita na naiisip ko ngayon habang nakatitig sa makulay na langit at awkward na pumapalakpak. Ang impokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ko gusto ang nangyayari. This is too much for a nobody like me but thank you Lord. Hihi.
Hindi ko magawang iwan ang lalaking katabi ko dahil pakiramdam ko ay magiging panira ako ng moment. Sabi nga ni Ernesto Dela Cruz, "seize the moment". Sis, 'eto na ang moment!
Hanggang sa matapos na nga ang fireworks display at mayroon na namang nagsasalita sa stage. As usual hindi ko na naman naiintindihan dahil iniisip ko ngayon kung paano ko lalayasan si kuyang katabi ko.
"Uhm, ah..." tanging nasabi niya.
"Ah, ano..." mabilis ko siyang tiningnan tapos ay nag-iwas din agad ako ng tingin. "Hi! Bye." bati at paalam ko agad. Tumalikod ako para umalis na sana pero napatid ako nang matapakan ko ang payong na pagmamay-ari yata niya na nasa lupa.
Bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng balat niya sa akin kahit pa nakajacket ako. Hindi ako tuluyang natumba sa sahig dahil agad niyang nasalo ang braso ko at ang isa ko namang kamay ay hawak-hawak niya. Naknampoka 'yan. Pwede ba akong tumili???? Kahit isa lang. Taena, sasabog na ang puso ko.
"S-Salamat." agad kong binawi ang kamay ko dahil baka hindi na ako abutan ng bukas sa sobrang kilig.... at saya??? Kung darating man ang araw na dadalhin niya ako sa ospital, gusto ko ay 'yong sa araw na ipapanganak ko ang anak namin. Hehe biro langs. Tumalikod ako sa kanya at humakbang na palayo sa kanya pero tumigil din ako agad at humarap sa kanya. "Ah, ano, uhm.... Iyon na ang pinakamagandang gabi ng buhay ko. Salamat." I smiled at him habang siya ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi naman ako nasasaktan na wala siyang reaksyon. Siguro dahil ay sanay na ako sa mga crush ko na hindi marunong magbalik ng feelings, idagdag mo pa na para siyang 'too good to be true' kung tawagin. "Sorry, I just have to let that out kasi parang sasabog na 'to, e." tinapik ko nang mahina ang dibdib ko. I am not usually like this. Hindi ko madalas sinasabi kung ano ang nasa utak pero siguro nanggaling ang lakas ng loob ko mula sa katotohanang isa lang naman siyang estranghero at malabong magkita na kami ulit.
I smiled at him for the last time and waved my goodbye tapos ay tumakbo ng napakabilis palayo sa kanya. Nakaramdam ako ng likido na dumaloy sa aking pisngi. Ganito pala ang tears of joy. Sobrang babaw pero alam mong masaya ka talaga.
"Uhm, excuse me, miss." nabalik ako sa ulirat nang may magsalita. Nag-angat ako ng tingin at kumurap ng ilang ulit habang hinihintay ang sasabihin ng lalaki sa harap ko. Pa'no ba ginawa ng Diyos ang mga tao dito sa España? Bakit parang lahat sila ay close to perfection ang mukha???? Napakunot ang noo ko nang hindi pa rin ito nagsasalita bagkus ay nakatitig ito nang mariin sa akin. Lord, sobra na ano po. Grabeng kagandahan na 'to. Choz. Tila natauhan ito sa ginawa kong pagkunot ng noo kaya naman tumikhim muna ito bago magsalita. "Uhm, ah, may nakaupo ba dito?" tinuro niya ang upuan kung saan ang pwesto ni Ry.
Marahan akong umiling tapos ay ibinalik ang tingin ko sa phone na hiniram ko kay Ry. "Thank you." sopistikado nitong sabi. Kahit nakayuko ay tumango na lang ako bilang tugon.
May bakante naman na upuan akong katabi kaya ibinigay ko na 'yung kay Ry. Sa tabi ko na lang siya pauupuin. Kasalukuyang nasa CR si Joey habang si Ry naman ay umu-order sa baba. Nasa Jollibee kami ngayon malapit sa UST para magpatuyo. Maraming tao ngayon dahil may kakatapos lang na event sa malapit pero buti na lang at tatlong floors ang Jollibee na ito. At dahil amazed ako na may 3rd floor itong fastfood, sa 3rd floor kami pumwesto.