The Boss and Her Secretary Part 1

685 10 1
                                    

CHAPTER 1

Hyeshah Pov

"Sha!!! Yung sinaing!" Nakakabinging sigaw ni mama kaya dali dali akong pumunta sa kusina upang asikasuhin ang sinaing. Napalunok ako nang maamoy ko ang sunog na kanin pero agad kong naramdaman ang kurot ni mama kaya agad akong napangiwi sa sakit.

"Aray ma!" Reklamo ko tsaka siya nginusuan.

"Juskong bata ka! Sinabi ko naman sayo na bantayan mo ang sinaing ano bang inaatupag mo jan hah" sermon ni mama kaya napakamot ako ng ulo.

"Nagbabasa lang naman ako ma, nakalimutan ko po" nakangusong sabi ko at nakita kong natigilan ito kaya tumungo ako.

"Jusko naman sha! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na itigil mo na yang pag aaral na yan dahil hindi ka na makakapag aral! Tayong mahihirap hanggang dito lang tayo hindi utak ang kailangan natin kundi sipag!" Ani ni mama kaya tumungo ako.

"Ma naman nagsisikap naman po ako para makapag aral at makahanap ng magandang trabaho sa baya--"

"Napagusapan na natin yan sha! Makuntento ka nalang sa buhay na meron tayo maniwala ka saakin hindi mo gugustuhin ang marangyang buhay kahit na minsan lang tayo makatikim ng kanin masaya naman tayo diba anak? Itigil mo na yang pangrap mo dahil walang magandang maidudulot yan" mariin na sabi ni mama kaya tumungo nalang ako. Hindi ko mainindihan kung bakit ayaw niyang umangat kami sa hirap kaya ako nalang ang sumusuko.

"Sige na tawagin mo na ang kapatid mo kakain na tayo" ani ni mama kaya nakatungo akong sumunod. Agad akong pumunta sa maliit naming bakuran tsaka hinanap si Syndie.

"Syndie!!!!!!" Sigaw ko at napabuntong hininga ako nang makita ko siyang nakikipagusap sa mga bibe.

"Ate naman ang ingay mo! Natakot sila sa halimaw mong boses" ani nito na ikinalaki ng mga mata ko.

"Anong sabi mo!!" Nanlalaking mata kong sabi na ikinatawa niya.

"Paulit ulit haaisstt maglinis ka nga ng tenga mo te haaistt tingnan mo nga yang itsura mo teh yang buhok mo mas madulas pa ata ang buhok ng mais kesa sa buhok mo ilang taon mo bang hindi sinuklayan yan? Tsaka ang pananamit mo tanggapin mo na hindi ka lalaki teh tapos yang mga kuko mo mas malinis pa ata ang kuko ni mang Kanor ehh tsaka yang balat mo, kaya ang itim itim mo dahil puno ka ng libag teh! At higit sa lahat plat ka hah plat plat plat plat!!!" Ani nito kaya umusok ang ilong ko dahil sa mga sinabi niya. Pero bago pa ako makapag salita ay dali dali siyang tumakbo papasok ng bahay kaya inis nalang akong bumuntong hininga tsaka pumasok sa loob.

"Ohh kain na tayo, hanggang mamayang gabi na yang kanin na yan haist nasunog pa ohh siya! pig iisang bangus tayo" ani ni mama kaya napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang chichiryang bangus upang iulam sa kanin. Minsan lang kami makakain ng kanin dahil madalas kamote na tanim namin sa bakuran ang almusal, tanghalian, at hapunan. Swerte na ang dalawang beses mag kanin sa isang buwan saamin.

"Ako na kakain ng sunog sige na kain na" ani ni mama nang matapos kaming magdasal.

"Ma ako na po ang kakain niyan" ani ko pero umiling iling siya.

" Ako na sige na kumain ka na Syndie pagkatapos mo jan mag igib ka ng tubig hah tatapusin ko yung nilalabhan ko" ani ni mama kaya agad na tumango si Syndie.

"Pagpasensyahan niyo na yan hah hayaan niyo kapag nakaluwag luwag tayo ehh magluluto ako ng tinola" masyang sabi ni mama.

"Talaga ma?" Masayang tanong ni Julia kaya ngumiti si mama.

"Oo naman ikaw pa ba"

"Ehh ma eto po pambayad sa utang natin pagpasensyahan niyo na ma yan lang nakuha ko sa construction" ani ko tsaka inabot kay mama ang sweldo ko.

"Itago mo na yan Sh--"

"Ma naman sige na kunin niyo na po" pigil ko sakanya kaya pilit itong ngumiti saakin.

"Salamat Sha" ani ni mama kaya nginitian ko siya.

"Ehh kung hindi tayo iniwan ni papa, hindi naman magiging ganito ang buhay natin ehh" may halong galit na sabi ni Syndie kaya natigilan ako at tumingin sakanya. 15 anyos na si Syndie at naiintndihan ko kung bakit ganyan ang nararamdaman niya. Noong nandito pa si papa, hindi naman ganito yung buhay namin ehh tch pero wala ehh sumakabilang bahay.

"Syndie" awat ko.

"Syndie naiintindihan kita pero ayokong magkaroon kayo ng sama ng loob sa papa niyo hah babalik siya" ani ni mama pero kinuyom ko lang ang kamay ko sa ilalim ng upuan. Pilit na kinokontroll ang sarili na wag sumigaw sa galit. Bakit ba palagi siyang umaasa na babalik ang asawa niya? Tch! Kailan niya ba matatanggap na may iba na yung pamilya.

"Nay Clarissa!!" Biglang tawag ng isang pamilyar na tinig sa bandang pinto kaya biglang naputol ang tensyon sa pagitan namin. Agad akong lumunok at dali daling pumunta sa pinto at agad na ngumiti sakanya.

"Hello baby my loves" nakangiting sabi ko at ipinatong ang siko sa gild ng pinto tsaka siya kinindatan.

"Ewwww" maarteng sabi nito tsaka ako inirapan kaya ngumiwi ako

"Haahaha hinhanap mo ba ako baby my loves? Wag kang mag alala sasagutin agad kita dahil hindi naman ako pakipot I will love you like there's no tommo--"

"Pwede ba Sha tigil tigilan mo ako ang init init na nga pinapainit mo pa ang ulo ko si Nay Clarissa ang hinahanap ko hindi ikaw tss" ani nito kaya ngumiwi ako.

"Alam mo baby my loves napakainit ng ulo mo ehh nakita mo naman na ako hehehe gusto mo---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad na dumapo ang pitik sa ulo ko.

"Nak ng!! Sino??" Bago ko pa matapos ang tanong ko ay agad kong nakita si mama na nakapamewang at nakataas ang kilay sa likuran ko kaya ngumuso ako. Nadinig ko ang pagpipigil ng tawa ni baby my loves ko kaya lalo akong ngumuso.

"Ma naman ehh!!" Reklamo ko kaya lalo niya akong tinasaan ng kilay.

"Bumalik ka dun!" Makapangyarihan niyang sabi kaya ngumuso ako lalo.

"Ma nandito si baby my loves--- aray ko naman ma!"

"Balik!!"

"Pero--"

"Babalik ka o hahampasin kita ng tsinelas!" Ani to kaya dali dali akong tumakbo palayo sakanya.

"Bye baby my loves kita tayo mamaya ahhh" ani ko tsaka binigyan siya ng flying kiss na agad niyang inirapan.

"Pagpasensyahan mo na yun Sabrina ihja hah bakit ka nga pala napadalaw dito?" Tanong ni mama. Babalik na sana ako sa hapag kainan pero nahinto ako nang madinig ko ang sinabi ni baby my loves.

"Kumikilos na po sila, magsisimula na ang El Kompitesyon at hindi sigurado kung mapoprotektahan kayo dahil mas makapangyarihan ngayon ang mga Hyden at kumikilos ang kalaban" ani ni baby my loves kaya kumunot ang noo ko.

"Anong pwede namin gawin? Hindi ako papayag na masali ang anak ko sa kompetesyon na yan!" Mariin na sabi ni mama kaya lalo akong naguluhan.

El kompitesyon?

Anong?

"Wala na tayong magagawa---"

"Ate!" Tawag ni Syndie saakin dahilan upang mapunta saakin ang attensyon ng lahat. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nila kaya napalunok ako.

"Hyeshah" usal ni mama pero tinitigan ko lang siya.

"Anong ibig niyong sabihin ma?"

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon