The Boss And Her Secretary Part 17

90 3 0
                                    

CHAPTER 17

Hyeshah Pov

Halos hindi kami makaimik ni Juliana dahil sa nangyari kanina. Nandito kami ngayon sa isang puno at nagpapalipas ng gabi.

"Hyeshah?" Tawag saakin ni Juliana.

"Mmm?"

"Gaano mo kagustuhang manalo rito sa kompetisyon?" Tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi ko alam" simpleng sagot ko.

Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang manalo

Hindi ko alam kung ano ang magiging rekasyon ko kapag nalaman ang totoo...

Yun lang naman ang rason ko ehh

Ang makilala kung sino ako...

"Paanong hindi mo alam?" Tanong niya.

"Ewan, hindi ko talaga alam siguro may rason akk na mahirap ipaliwanag" sagot ko kaya napatitig uto saakin at bumalik sa pagkakasandal sa bag niya.

"Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa natin" ani niya kaya kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sindikato raw ang mga Hyden at ginagamit nila tayo para yumaman at matabunan ang itinatago nila" ani niya kaya bumuntong hininga ako.

"Naikwento yan saakin ni Gwen" ani ko tsaka pumikit.

"Ang sino mang mapabilang sa Xerity ay papatayin" ani niya kaya agad ako napamulat at napabangon.

"A-ano?"

"Hindi ko alam, naikwento yan saamin ni Agatha dati hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba dahil kay Agatha nanggaling hindi ko sinasbaing wala akong tiwala sakanya but you know her, lahat gagawin niya makamit lang ang premyo pero what if totoo nga? What if papatayin nga tayo? Ayoko pang mamatay" naluluhang sabi ni Juliana kaya niyakap ko siya.

"Ssshhh matulog na tayo, wag mo munang isipin ang bagay na yan" sabi ko tsaka siya inalalayang humiga. Ramdam ko na hindi siya makakatulig ngayon pero wala kaming choice kundi ang matulog dahil mahaba pa ang lalakbayin namin mamaya.

Kamusta na kaya si James???

Haist!!! Namimiss ko na yun ahh!

Nak ng ang baduy pero haist! Tama na!!

Kinaumagahan ay agad kaming naghanda ni Juliana. Binuksan namin ang kahon at pareho ang misyon namin mukhang parepareho ang laman ng kahon na ito Kailangan naming hanapin ang isang tribo dahil nasa kanila ang susi.

"Sssshhh" awat ko kay Juliana nang may narinig ulit akong paparating. Agad naming kinuha ang baril sa kanya kanya naming bag at nagtago sa may kahoy at hindi nga ako nagkamali dahil may mga paparating.

"Aaaaaaaahhhhh!!!!!!" Sigaw ng isang babae nang tutukan ko ng baril kahit hindi naman ako marunong gumamit ng baril.

Ayus din pala to ehh!!!

"Hye-hyesh!!!" Sigaw na pamilyar na boses kaya agad kong binaba ang baril ko dahilan upang lalo ko siyang makita.

"Hyesh!!!!!" Sigaw niya at dali dali akong niyakap.

"Gwen" usal ko at ginantihan ko ang mahigpit niyang yakap.

"Oh my god!! Oh my god!!" Naiiyak niyang usal kaya natawa ako.

"Putsa baliw! Tama na nga itong drama na to nak ng kacornihan" natatawa kong sabi tsaka kumalas sa yakap niya at agad niya namang pinunasan ang mga luha nito sa mata.

"Argh! Alam mo bang nag aalala ako saiyo ng sobra because this mountain is so creepy oh by the way come here come here!!" Tili nito at napakibit balikat nalang si Juliana nang lingunin ko ito. Sumynod kami kay Gwen at agad kong nakita si Agatha na hinihingal kasama si Nichole, Violet, at Jean.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon