The Boss And Her Secretary Part 23

79 3 0
                                    

CHAPTER 23

Hyeshah Pov

"Lintik" inis kong usal habang pinapakalma ang sarili sa hingal.

"Muntik na tayo roon" dinig kong sabi ni Lance kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"G*go ka o g*go ka?!"

"What!"

"Dont spokening dollars!" Sigaw ko na ikinakunot ng noo niya.

"What?!"

"Wag mo akong ienglishin langya ka" inis kong sabi tsaka humiga sa carpet.

"S-sorry okay? Its just that hinila kita p-para--"

"Hinila mo ako dahil nabading ka!"

"Nabading?" Kunot noo nitong tanong.

"Tch! Nabading! na bakla! Nagay langya!" sigaw ko.

"Im not gay, pwede ka namang magsalita na hindi nagmumura at sumisigaw" ani nito habang pinapagpagan ang sarili.

"Hoy!!! Hindi pwede dahil dito ako nasanay at hindi ako magbabaho para sayo ul*l!" Sigaw ko. Nadinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya tumayo ako at pinagpagan din ang sarili. Langya sasakit ang mga pa ko dahil sa ginawa niya hindi niya ba alam na hinahanda ko na to para sa pag akyat sa tuktok.

"Saan ba kasi tayo pupunta!"

"Dito" tipid nitong sagot na ikinamaang ng bibig ko.

"Dito?"

"Dito talaga tayo pupunta" malumanay niyang sabi kaya inilibot ko ang aking paningin. Halos luntian lang ang nakikita ko at damo ang tinatapakan ko. Tahimik at mukhang nakakarelax sa lugar na ito. Tanaw na tanaw ang ganda ng tanawin dahil nasa mataas na parte na kami.

"B-bakit dito?" Tanong ko habang inililibot ang paningin.

"Dahil gusto ko ng katahimikan, I want peace, relaxing place so I brought you here" ani nito kaya tinitigan ko siya ngunit nakapikit na ito at dinadama ang kahimikan kaya nakangiwi ko siyang binatukan.

"What was that for?!" Inis niyang tanong habang kinakamot ang ulo na binatukan ko.

"Tch! T*rantado ka pala ehh katahimikan pala gusto mo tapos ako sinama mo!" Sigaw ko.

"Bakit naman hindi ikaw?"

"G*go sa daldal kong to walang silbi ang katahimikan ng lugar na ito!!" Sigaw ko at nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Plss be quite or else" bulong nito na ikinalunok ko dahil palapit nang palapit ang mukha niya kaya naduduling na ako.

"H-h-hoy l-lumayo ka saakin" utal utal kong sabi.

"Or else hahalikan kita" nakangisi niyang sabi kaya natigilan ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gustong gusto ko na siyang itulak dahil sa pinagsasabi niya. Gusto kong umatras dahil sa ginagawa niya pero hindi ko magawa. Sinisigaw na ng utak ko na itulak ko siya at bugbugin pero hindi magawa ng mga kamay ko.

"H-hoy lumayo ka Lance!!" Napapalunok kong sabi.

"Lance alam mo bang ikaw lang ang tumayawag saakin ng ganyan aside sa mga magulang ko, one of the reason why I like you" nakangising bulong niya na lalo kong ikinalunok. Parang nag echo sa pandinig at utak ko huling salitang binitiwan niya. Naramdaman ko ang paginit ng mukha ko at paglakas ng tibok ng puso ko. Parang nagwawala ang buong sistema ko dahil sa sinabi. P*nyeta anong nangyayari saakin!

"Ms Hyeshah?" Ani nito kaya agad nagising ang diwa ko.

"H-h-h-hoy!!!!"

"What!"

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon