The Boss And Her Secretary Part 24

71 3 0
                                    

CHAPTER 24

Agatha's Pov

"Nasaan si Hyeshah?" Tanong ni Nichole na kakaupo palang sa mesa.

"Natutulog kayo sa iisang bahay so dapat alam mo" pagtataray ko. I guess nasasanay na sila sa ugali ko tsk dapat lang dahil never akong mag aadjust sa ibang tao.

"Pagising ko ng madaling araw wala siya sa kwarto niya" ani nito kaya agad kaming napatingin sakanya.

"Ohh ayan na pala siya oh" biglang sabi ni Gwen. "Hyesh!!" Tawag nito kay Hyeshah na mukhang bagong gising at kasama si what the!! si Sir Lance!

"Bakit sila magkasama" mariin kong tanong at palihim kong ikinuyom ang kamao ko habang nakatingin sa dalawa. Kitang kita ko ang lagkit ng tinginan ng dalawa. Bakit sila magkasama?! Wait magkasama ba sila buong magdamag?! This is so pathetic! Hindi ako makakapayag na mangyari ang iniisip ko.

FLASHBACK

"Agatha?" Biglang tawag ni Sir Lanca kaya agad akong napangisi.

"Sir Lance" malambing kong sabi na ikinangiti nito.

"Goodluck para bukas" nakangiting sabi niya at maingat itong tumabi saakin.

"Thank you, ang sweet mo naman sir Lance" nakangising sabi ko habang kinakagat ang labi. Damn ang hot niya! Kung hindi ka lang isang Hyden im sure ibibigay ko na ang sarili ko saiyo.

"Sweet hahahaha I dont think so" natatawang sabi niya at napakagat labi ako nang titigan ko ang mapupula niyang labi.

"You are, ikaw palang ang lalaking gumagawa saakin ng ganito, I dont know but iba ang nararamdaman ko saiyo everytime na magkausap tayo" nakangising sabi ko habang marahan kong hinawakan ang mga pisngi niya habang tinititigan sa sa mata at agad itong napangiti at dahan dahang inilapit ang kanyang mga labi sa labi ko.

I knew it!!

Isa lamang itong laro!!!

END OF FLASHBACK

"Agatha tara na, kakausapin tayo ni tatang bago maglakbay" biglang tawag ni Hyeshah at kumunot ang noo ko nang mapagtanto na tapos na pala silang kumain.

Damn it Agatha!

"Okay" tipid kong sabi tsaka siya inirapan at nauna sa paglakad. Nagtipon tipon kami sa isang kubo. Ngayon ibibigay ang susi para mabuksan ang isang kahon.

"Nais kong magpasalamat sainyo, dahil naging bahagi kayo ng aming tribo aaminin kong mas naging masaya kami noong dumating ang mga hayen. Sa puntong ito magpapaalam na ako sainyo" nakangiting sabi ng matanda.

"Wala po ba kayong ibibigay na susi?" Biglang tanong ni Gwen na ikinatawa ng matanda.

"Nakabukas na ang iyong mga kahon, ako na mismo ang nagbukas para sainyo hahahahaha" biro ng matanda kaya napatingin na lamang ako sa taas bago kinuha ang bag at doon ko natagpuan ang kahon na nakabukas na nga. Kagaya ng iba ay binuksan ko ang kahon at isang papel ang laman nun.

"Wag magpapalinlang sa mga tanawin" mahinang basa ko tsaka ngumiwi.

Pwes hinding hindi ako nagpapalinlang sainyo...

Hyeshah Pov

"Wag magpapalinlang sa mga tanawin" bulong ko. Anong ibig sabihin nito?

"Mauna na ako sainyo, ingat sa paglalakbay" ani ni tatang tsaka kami tinalikuran pero hindi nakaligtas saakin ang makahulugan niyang ngisi.

Matagal na akong naghihinala sa mga nangyayari!

"Tara na, baka wala na tayong maabutan dahil nahuhuli tayo" ani ni Nichole kaya agad kaming sumunod. Mabigat ang mga paa ko sa paglalakbay. Aakyat na naman kami para puntahan ang tuktok. May kung anong gumugulo sa isip ko tungkol sa mga nangyayari. Sa pagitan namin ni Lance? Sa kompetisyon? Sa lahat. Ang gulo gulo.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon