The Boss And Her Secretary Part 42

83 2 0
                                    

CHAPTER 42

Lance Pov

Agad naming hinatid si Ms. Agatha sa mansion upang makapagpahinga. Hindi ko alam kung paano ko pa itatago ang emosyon na pilit na lumalabas. Labis ang awa ko sa mga Hayens. Labis ang mga tanong na hindi nasasagut saaking isipan.

"How is she?" Tanong ko sa doktor na lumabas sa kwarto ni Ms. Agatha.

"Well she's still under of our observation malaki ang chance na magcause ito ng depression or trauma sakanya my advice well bigyan siya ng attensyon ngayon" ani ng doktor na ikinalunok ko.

"Magiging okay pa ba siya?"

"Hindi na ako ang makakasagot niyan Sir Lance" ani niya kaya napabuntong hininga ako.

"Lance bisitahin mo muna ang ibang hayens, tulog pa si Agatha so mas maigi kung tingnan mo muna ang dalawa, they need you" ani ni Ms. Lao kaya napatango ako.

I cant belive this is happening..

Agad akong pumunta sa kwarto ni Gwen at huminga ako ng malalim nang makita ko siyang hindi pa rin humihinto sa pag iyak. Sa kaunying panahon, naging kaibigan ko si Gwen, iba ang personalidad niya sa ibang Hayens. Sweet at bibo si Gwen bagay na nagugustuhan ko saoanya. Hindi siya nauubusan ng mga maikukwento at palagi jiyang ipinapakota na walang dahilan para sumuko sa buhay.

"Ms. Gwen" pag aagaw ko ng attensyon niya at hindi naman ako nabigo.

"S-sir Lance" humihikbing sabi niya at halos mapalunok ako nang makita ko ang mugtong mugto niyang mata, ang pagkibot ng kanyang labi at ang walang tigil na pag agos ng kanyang luha. Dali dali akong lumapit sakanya at agad siyang niyakap.

"Im sorry" bulong ko saka tumingin sa taas dahil naluluha na rin ako sa konsensya. Humagulhol lang siya sa balikat ko, umiyak nang umiyak habang ako ay pilit ko siyang pinapatahan.

"Im sorry Ms. Gwen" sincero kong sabi.

"Yung mommy ko sir Lance y-yung mommy ko" umiiyak niyang sabi tsaka umiyak ng umiyak. Wala akong ginawa kundi ang patahanin hanggang sa makatulog. Alam kong bibigat lang ang pakiramdam niya kapag nagputuloy ako sa paghingi ng tawad dahil alam ko na kasalanan namin dahil kapabayaan sa seguridad ng mga mahal nila sa buhay. Maya maya pa ay pumasok ang mga kesida ni Ms. Gwen kung kaya't nagpaalam na akong umalis. Pag labas ko ay agad akong kinain ng konsensya ko. Pakiramdam ko ubos na ubos na ako. Hindi ko alam kung may mga mukha pa ba akong ihaharap sakanila pero kailangan kong gawin ito. Alam kong pinablock ni daddy ang lahat ng impormasyon na maaring makuha ng media. Gusto kong malaman ng lahat ang kapabayaan namin para makapagbayad kami pero alam kong wala ako sa lugar para gawin iyon. Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko ang alam ko lang gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang damayan. Gusto kong marinig ang mga sasabihin niya.

"Ms. Hyeshah" tawag ko nang makapasok ako sa kwarto niya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung gaano kakalat ang kwarto niya.

"M-ms. Hyeshah" mahinang usal ko nang makita ko siya sa isang sulok na tulala at parang wala sa sarili. Dahan dahan akong lumapit sakanya pilit na pinipigilan ang luha ng konsensya. Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan, paramg wala siyang alam na nasa harapan niya na ako. Tulala lamang ito at nakatingin lamang sa iisang direksyon. Lumuhod ako at naupo sa sahig sakanya, tinititigan ko ang mga mata niyang punong puno ng hinanakit.

"Ms. Hyeshah" usal ko tsaka hinawakan ang mga kamay. Dahan dahan siyang lumingon saakin, agad niyang sinalubong ang mga mata ko at doon nag uunahang pumatak ang mga luha niya kasabay ng dahan dahang pag iling iling. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, ngayon ko lang siya nakita na ganito kahina.

"K-kamusta si Gwen at Agatha" pabulong niyang tanong kasabay ng pagkibot ng kanyang labi kung kaya't natigilan ako.

"Natutulog sila ngayon" pabulong kong sagot pero isang malalim lamang na pagtitig ang ginawa niya. Tahimik lamang siyang lumuluha, hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya pakiramdam ko ubos na ang mukhang dapat kong iharap sakanya.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon