The Boss And Her Secretary Part 16

86 4 0
                                    

CHAPTER 16

Hyeshah Pov

Inis akong napabangon mula sa lupa, inalala ang huling natatandaan.

Flashback

"Tandaan niyo kailangan niying maibalik ang flag dito mismo, hihintayin ko kayo rito sa baba... Remember this ladies, wag na wag kayong magpapalinlang sa mga nakikita ninyo" nakangising sabi ni Ms. Lao at bigla na lamang umusok ang paligud at kasabay nun ang pag ikot ng aking paningin tsaka ito naging itim.

End of Flashback

"Ahh putsa!" Inis kong sabi nang mapag alaman kong wala nga palang ibinigay na mapa.

Badtrip! Nasaan ako!!

Pakiramdam ko ay nasa bundok na ako pero hindi ko alam kung saang parte ng bundok. Paakyak na ang daanan at mukhang delikado ito, kapag umulan paniguradong mababasa ang daanan.

Kunot noo kong binuksan ang bag na nasa lupa. Naglalaman iyon ng mga pagkain na hindi ko alam kung aabot ba ito ng limang araw, first aid kit at ang umagaw ng attensyon ko ay ang mga kahon. Nakita ko ang isang bukas kaya kunot noo ko itong binuksan. Nakita ko ang isang makalumang papel na agad kong binasa ang nakasulat.

"500 na hakbang diretso at pataas hanapin ang susi sa isang makulay na yaman" basa ko sa nakasulat.

Ano daw???

Tang juice nagpapatawa ba to!!!

500?? Ibig sabihin magbibilang ako?? Tapos kapag nakalimutan edi babalik dito jusmiyo santisima!!!!!

Kapag talaga nakabalik ako sa baba kokotongan ko si Ms. Lao!!!!!

Diretso at walang likuan!!! Kapag may puno saan liliko nak ng!!!

"Makulay na yaman??" Patanong kong usal.

Gemante???

Anong klaseng yaman!!!!!

"Haaist!! Bahala na Shah jusmiyo santisima perdon kaya mo to!" Ani ko ko tsaka huminga ng malalim. Mukhang tanghali pa naman pero hindi ko ramdam ang init sapagkat napakalamig ng klima rito sa bundok dahil sa mga nakapalibot na puno. Malayong malayo sa syudad at sa lugar na aking kinagisnan. Haist! Iba talaga kapag may puno.. Iniwan ko ang bag sa kinatatayuan ko nang may makita ako ng puno ng saging. Agad akong kumuha ng mga dahon noon at hinati hati sa sukat na parang papel. Kumuha rin ako ng mga nagkakalat na maliliit at maninipis na tangkay ng kahoy na inilagay ko sa bulsa ng aking blazer. Inilagay ko saaking bag ang dahon ng saging pero nagtira ako ng tatlo. Isinuot ko na ang aking bag at halos manghina ako sa bigat nun.

"Kaya mo to!" Ani ko tsaka nag umpisang maglakad at magbilang. Kahit nasa tanghaling tapat ay hindi ko maramdaman ang napakainit na klima. Malamig at parang giginawin pa ako rito. Tanging huni ng mga ibon, hampas ng puno, ingay ng hangin, at tunog ng mga hayop na hindi ko nakikita ang aking naririnig. Bigla akong kinilabutan nang marinig ko ang naghalo halong huni kaya agad kong isinulat sa dahon ng saging ang pagbibilang ko ng hakbang.

"157" pagsusulat ko. Luminga linga ako sa paligid ngunit wala akong makita kundi ang tipikal na nakikita sa isang kagubatan. Nakaramdam ako ng pangangalay at hingal kung kaya't agad kong binuksan ang bag ko upang kunin ang tubig. Nanlumo ako nang makita kong limang mineral water lang ang nasa bag ko.

Kailangan kong magtipid...

Nang makapagpahinga ako ay dumeretso ulit ako sa paglalakad. Maraming tumatakbo sa isipan ko.

Bakit wala akong nararamdamang may nakabantay??

Ganito ba ako kamanhid??

Waaaahhh baka wala talagang tauhan dito...

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon