The Boss And Her Secretary Part 35

60 2 0
                                    

CHAPTER 35

Hyeshah Pov

Agad akong bumangon nang nakita kong maliwanag na ang kalangitan. Halos talunin ko na ang kama sa sobrang saya dahil ngayon kami mamasyal. Hindi rin ako nakatulog sa pag iintay sa umaga, wala akong ibang ginawa kundi titigan ang orasan.

"Magandang magandang umaga sainyong lahat!!" Masayang sigaw ko nang makalabas ng kwarto.

"Masaya ata ang gising mo Madaam Hyeshah" nakangiting sabi ni Cath kaya napangiti ako.

"Oo naman nuh! Sino ba naman ang hindi sasaya sa sobrang ganda ng lugar na ito" masayang sagot ko na kinuha ang dala nitong tray.

"Ako na madaam"

"Kaya ko na" nakangiting sabi ko kaya wala itong magawa kundi ang sumuko. Masaya akong pumunta sa terrace ng kunbo dahil doon ata kami kakain.

"Goodmorming" biglang litaw ng isang boses dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Magandang umaga" nakangiting bati ko nang humarap ako sakanya. Agad ako niting ginantihan ng ngiti pero langya para bang may bayad ang ngiti niya sa sobrang tipid.

"Mukhang may nakain ka Ms. Hyeshah, hindi ka nakasimangot ngayon" ani nito kaya agad ko siyang pinitik sa noo.

"Ouch hey!"

"Aba baka nakakalimutan mo atang mamasyal tayo ngayon!" Pagpapaalala ko sakanya.

"Hindi ko yun makakalimutan" nakangiting sabi niya kaya napangiti ako.

"Bakit pala ikaw ang nag aasikaso niyan Ms. Hyeshah? Nasaan ang mga kesida?" Tanong niya kaya agad ko siyang binalingan pero naupo muna ako.

"Nasa kusina sila baka may hinahanda pa tsaka okay lang nagkusa naman ako masyadong nakakabagot kung uupo lang ako nuh tsaka mas ayus na rin na tulungan ko sila para mabilis hahahaha para makapasyal na tayo kaya bilisan mong kumain" masayang kwento ko tsaka naghain ng pagkain sa plato.

"Relax Ms. Hyeshah mahaba pa ang oras"

"Amm Sir Lance eto na po ang kape mo" biglang sabat ni Aya habang inilalapag ang kape sa mesa.

"Thank you" ani ni Lance kaya tumango si Aya tsaka kami iniwan.

"Kumain ka na Lance aba bilisan mo!" Ani ko tsaka kumain ng kumain. Matapos ang ilang minuto ay sawakas natapos din si Lance sa pagkain. Sobrang tagal niya jusko, dinaig pa ang bata sa pagkain sa sobrang tagal. Kinuha ko na nga ang dyaryong binabasa niya dahil sobramg tagal niya. Nang matapos kaming kumain ay agad akong nagbihis panligo at dinala ang bag na ihinanda ni Maria. Agad akong bumaba ng kubo dahil nandoon na si Lance naghihintay sa baba.

"Ms. Hyeshah" tawag saakin ni Lance at agad ko siyang nakita sa isang upuan na mukhang kakatayo lang kaya agad akong lumapit sakanya.

"Lets go?" Tanong nito.

"Aba tara na! Kanina ko pang gustong gusto maglakad lakad dito nuh!" Masayang sabi ko tsaka siya hinila.

"Dahan dahan lang tayo Ms. Hyeshah ienjoy natin ang view" ani ni Lance kaya huminto ako at humarap sakanya.

"Ayy sige" nakangiting sabi ko tsaka naglakad ng normal na bilis. Hindi matigil ang paglinga linga ko dahil sa sobrang ganda ng tanawin. Ang ganda ng damo kaya hindi ko mapigilang hawak hawakan iyon.

"Langya ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong damo sa personal puro basura ang nakasanayan ng mata ko" masayang sabi ko habang hinahawak hawakan ang damot dahil pantay pantay ang taas nito at purong berde.

"Let me take you a pictures" biglang sabi ni Lance habang tinitingnan ang camera niya.

"Naku naku hindi ako marunong sa mga ganyan ganyan tsaka okay na to mata ko nalabg ang magpipicture sa magandang tanawin dito" nakangiting sabi ko habang namamanghang tinutitigan ang mga bulaklak tapos puno, at mga bato.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon