The Boss and Her Secretary Part 7

119 3 0
                                    

CHAPTER 7

Hyeshah Pov

Nandito ako ngayon sa kotse at papunta kami ngayon sa airport kung saan naghihintay saakin ang eroplano ng mga Hyden. Kanina bago sumakay ako ng eroplano papunta rito sa maynila ay pinabaonan ako ng lakas ng loob ng mga tagaroon saamin. Sinalubong at pinarangalan ako ng mayor at gobernador ng lugar namin na tila ba nanalo na agad ako. Isang karangalan daw na mapabilabg sa lugar namin ang isa sa mga napili kompetisyon. Ngunit kaunting galak lamang ang aking naramdaman sapagkat alam kong dinaan sa daya ang pagkapasok ko. Knakabahan akong bumaba ng kotse. Dala dala ang maletang naglalaman ng mga gamit ko. Bumungad saakin ang hindi mahulugang krayom na tao na daldala ang paghanga sa mga mata.

"Let us all welcome Ms. Hyeshah Zamora!!" Announce ng MC kung kaya't dali dali akong naglakad. Nakakailang mga ilaw galing sa camera na hawak ng iba. Gusto kong yumuko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Simpleng ngiti na lamang ang ibinigay ko sakanila tsaka naglakad at sonundan ang mga kasama kong babaeng nakaalalay saakin. Inilibot ko ang aking paningin, nakita ko ang paghanga at saya sakanilang mga mata at hindi rin nakaligtas saakin ang mga masasamang tingin kung kaya't napabuntong hininga na lamang ako. Agad kong sinundan ang mga babae at napadpad kami sa isang malawak at sementadong kugar at doon ko natagpuan ang isang napakalaking eroplano.

"Have a safe flight madaam" nakangiting sabi ng babae na agad kong tinanguan. Nanginginig akong sumakay ng eroplano af labis ang aking pagkamangha nang makita ko ang loob nito. Kulay ginto at puti lamang ang loob ng eroplano. Amazing! Napalunok ako nang maagaw ko ang attensyon ng mga babaeng nasa loob ng kompetisyon. Tang juice mga chicks!!!! Agad akong naghanap ng bakanteng mauupuan pero mas pinili kong maupo sa pinakadulo ng eroplano sa may bandang gilid. Agad namang lumapit saakin ang isang flight attendant upang ilagay ang seat belt sa katawan ko.

"Ahh hi!" Masayang bati ng isang chicks. Gusto ko siyang pansinin dahil oh my gulay! Sagana ang mata ko sakanya. Pero naalala ko ang sinabi ni baby labs na wag akong makikipagkaibigan. Teka bakit nga ba? Baka nagseselos siya abhahahahahhaha pero haist seryoso siya roon!

"Im Gwen Ramos hihihi nice to meet you" nakangiting pagpapakilala niya tsaka inilahad ang kamay at nag aalangan pa akong tanggapin iyon pero sa huli nakipagkamayan ako sakanya ang bastos naman kung hindi diba ayus na rin yan bwhahahhaa libre chansing.

"Can I?" Tanong niya at itinuro niya ang bakanteng upuan na para bang sinasabing kung pwede siyang umupo roon na agad kong tinanguan. Gusto ko siyang kausapin pero waaaahhh si baby labs kasi ehh. Tang juice naman oh!!

"By the way ikaw si Hyeshah tama ba? Hyeshah Zamora?" Nakangiting tanong niya na agad kong tinanguan at nagulat nalang ako nang bigla siyang tumili dahilan upang maagaw namin ang attensyon ng iba.

"Oh my gosh alam mo bang sikat na sikat ka saamin kasi ang ganda ganda mo I really love your hair color, sino ba nagkulay sayo? I really love fashion kasi ehh you know para yun ang hobby ko then nakuha mo ang attensyon ko lalo na sa mga pictures mo na nilalabas sa TV kasi oh my gosh sobrang alam mo yung kahit simple nagagawa mong gawing fashion argh! I love white na because of you but hindi naman ako magsusuot ng all white hahahaha maybe yan na ang signature mo" masayang kwento niya. Nak ng! Madadal din pala ang isang to waaahhhhhh pero englishera! Ayoko na sabi ng english ehh.

"Oh look si Agatha Williams diba ang ganda niya hahahaha model at sikat yan sa new york woaahh" namamanghang sabi ni Gwen.

"Hi Agatha oh my gosh Im a fan of yours, Im Gwen pala" nakangiting sabi ni Gwen sa Agatha at njlahaf pa ang kamay nito pero tinapunan lang siya ng tingin tsaka naupo sa kailabg colum ng upuan.

"Hahaha hi girls Im Gwen nice to meet you" nakangiting pagpapakilala ni Gwen pero kahit isa ay walang pumansin sakanya bagay na ikinakunot ng noo ko. Napapahiyang umupo si Gwen at kita ko ang pagpipigil niya ng luha sa pagkapahiya kaya napabuntong hininga nalabg ako. Tang Juice! Mga chicks pero ang mga ugali pang aso tangina! Napapamura ako ahh!

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon