The Boss And Her Secretary Part 43

181 3 0
                                    

Chapter 43

Hyeshah Pov

Nasa biyahe ako papunta sa chapel kung saan nakahimlay ang katawan ng kapatid ko. Ngayon lang ako nakadalaw dahil kinailangan ko pang hintayin ang pagbabalik ni Lance dahil sinamahan ni rin sina Gwen sa burol ng mga nawala sakanila. Ang mga Hyden ang sumagot sa gastusin ni Sydnie at nagbigay din sila ng bayad dahil daw sa kapabayaan sa seguridad. Ayun kay Ms. Lao at Lance ang kalaban nila sa negosyo ang may gawa nun na lalong nagpadagdag sa galit ko. Hindi ko na alam kung paano pa maayos ito. Namatay ang kapatid ko dahil sa tang juice na pero at babayaran nila kami ng pero dahil namatay siya anong klaseng laro ito.

"Ms. Hyeshah" tawag ni Lance at marahang hinawakan ang mga kamay ko pero walang emosyon ko lang siyang tinitigan. Napagtanto kong nasa chapel na kami at nakita ko na ang tarpulin kung saan nakasulat ang pangalan ng kapatid ko. Agad akong inalalayan ni Lance pababa kasabay nun ang pagpayong saamin ng mga tauhan at pag alalay saamin dalawa papasok. Pakiramdam ko, matutumba ako ng wala sa oras dahil sa panginginig ng tuhod. Nang makapasok kami ay pilit na pinaalis ng mga tuhan ng mga Hyden ang mga tao. Hindi ko na pinakialaman ang pagdumog nila saakin. Sa malayo natanaw ko na agad si mama na para wala sa sarili. Ngayon palang nanghihina na ako, agad kaming pumasok sa chapel at sinalubong kami ng malamig na hangin dahil sa aircon pero parang maiinit pa rin ang pakiramdam ko. Agad na pumatak ang mga luha ko nang makita kong lumingon si mama. Hanggang sa napunta ang attensyon ko sa kabaong kung saan nasa ibabaw ang litrato ng kapatid ko.

"S-sydnie" mahinang usal ko tsaka kumibot kibot ang labi ko at dahan dahang naglakad papalapit doon habang nakaalalay si Lance dahil sa panginginig ng tuhod ko. Nag umpisa ng manakit ang dibdib ko sa sobrang pagpipigil ng luha. Agad na hinigpitan ni Lance ang paghawak niya saakin hanggang sa marating ko ang kabaong. Agad na pinaligiran ang mga mata ko ng luha at ang pagsikip ng dibdib ko dahilan para bumilis ang aking hininga. Nakita ko ang kapatid ko na sunog ang kalahating mukha na natutulog sa kabaong. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung paano ko hahwaan ang kabaong, kung paano ako iiyak? Kung sisigaw ba ako?

"Ssshhh Ms. Hyeshah anong nangyayari sayo" bulong sa aakin ni Lance at hinihimas na ang likod ko pero sadyang lumalalim na ang paghinga ko. Agad na lumapit saakin si mama upang patahanin ako pero sadyang hindi na ako makahinga. Nanlalamig na ang buong katawan ko tsaka nagpapakawala ng malalalim na hininga at hikbi.

"M-m-mama h-hi-hindi" hindi ko na naitutuloy ang sasabihin ko dahil sa hangin na ibinubuga ng bibig ko. Labis ang paninikip ng dibdib ko at pagbuhos ng mga luha ko.

"S-sha anak maupo ka muna" umiiyak na usal ni mama pero umiling iling lang ako.

"Tubig! Pahinging tubig" dinig kong sabi ni Lance pero huminga lang ako ng huminga.

"Aaahhhhhhhh!!!!!" Umiiyak kong sigaw tsaka napakapit sa braso ni lance na nakapulupot sa bewang ko.

"Syndieee!!!!!" Umiiyak kong sigaw tsakang lumapit sa kabaong at lalong hinigpitan ang kapit kay Lance dahil sa sobrang panghihina.

"Baakit!!! Syndiee!! Hindi ko kaya! Gumising ka na jan Syndie parang awa mo na ahhhhh!!!" Umiiyak kong sigaw saka niyakap ang kabaong.

"Syndie nandito na si ate parang awa mo na bumangon ka na jan! Syndiee!! Wag mo kaming iiwan ni mama syndie!!"

"Ssshhh Sh-sha" tawag saakin ni mama pero hindi ko ito pinansin. Agad kong tinitigan ang mukha ng kapatid ko kung kaya't lalong lumalim ang paghinga ko dahil sa hindi na ako makalanghap ng hangin.

"M-ms. Hyeshah" tawag saakin ni Lance pero umiling iling nalang ako. Narandaman ko nalang na nakapulupot na ang braso niya saakin at agad kong ipinulupot ang braso ko sa bewang niya dahil sa panghihina.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon