The Boss And Her Secretary Part 40

70 2 0
                                    

CHAPTER 40

Hyeshah Pov

"Amm Sha pasensya na ha pero simula kasi noong bumalik tayo rito sa mansyon madalas ka naming nakikitang tulala may problema ba?" Biglang sabi ni Maria kaya agad akong napatingin sakanya.

"Ahh w-wala napagod lang ako" pilit na ngiting sabi ko.

"Sigurado ka?" Paninigurado niya na ikinatango ko. Magsasalita pa sana siya pero may biglang kumatok sa pintuan kaya agad itong pinagbuksan ni Maria at bumungad saakin si Agatha na may dalang mga libro.

"Oh Agatha" usal ko. "Maria iwan mo muna kami" ani ko na agad niya namang sinunod.

"Well pumunta ako rito para ibigay sayo ito masyado mong nilasap ang mga panahong kasama mo si Sir Lance nakalimutan mo ata na kapag ikaw ang pinakababang rankings sa academic performance eh mapapaalis ka" nakangising sabi niya tsaka binagsak sa mesa ang libro habang nakatingin saakin kaya napabunting hininga ako.

Ano na naman kaya ang problema nito.

"Oo sige pag aaralan ko nalang, salamat" matamlay kong sabi na ikinairap niya.

"Para saan pa? Alam mo pabida ka ehh lumaban ka ng patas hindi porket nakasama mo siya ng ilang araw ehh aasta kang sayo na siya" ani nito kaya inis akong humarap sakanya. Anak ng ibang klase ang topak nito ngayon ah.

"Ano bang problema mo?!"

"Ikaw ang problema ko!" Mariing niyang sabi kaya natigilan ako.

"Alam mo umpisa palang mainit na dugo mo saakin eh wala naman akong ginagawa sayo! Akala ko ba okay na tayo ah"

"Says who?"mataray niyang tanong kaya natigilan ako.

"Alam mo bahala ka sa buhay mo! Problemahin mo ako kung gusto mo tutal ganun naman ako kaimportante para problemahin ng ibang tao tsaka diba pumunta ka lang dito para ihatid yan kaya ayan salamat sa paghatid ang bait mo naman sige na umalis ka na baka makalimutan kong chicks ka" ani ko habang tinutulak na siya palabas.

"What the! Dont you dare touch me! You bitch!"

"Nyenyenyenyenye sige salamat" pang iinsulto ko sakanya tsaka siya sinarahan ng pinto.

Buwisit na Agatha yan lakas ng tama ang langya!

"Sha okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Cath kaya kunot noo akong tumango sakanila.

"Oo naman bakit?

"Yung Hayen na yun si Madaam Agatha alam mo masama kutob namin sakanya eh" ani ni Aya kaya kumunot ang noo ko.

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Noong wala ka rito, palagi kang tinatanong niyan saamin tapos bigla kaming tatarayan kapag sinabi naming wala ka pa ewan basta hindi maganda ang tingin ko sakanya kaya mag iingat ka diyan" sagot naman ni Aya kaya napabuntong hininga ako.

"Salamat, pero ganyan lang talaga siya madalas may sayad pero nasa katinuan naman minsan ang utak niya" ani ko tsaka pilit na tumawa kahit sa kaloob looban ko ehh kinakabahan sa mga sinabi nila.

"Oh siya kailangan ko ng mag aral mukhang nahuhuli na ako sa aralin ehh" nakangiting sabi ko kaya agad silang tumango at inayos ang mga gamit ko.

"Sige Sha pindutin mo nalang ang buzzer kapag may kailangan ka tandaan mo wag kang lalabas ng kwarto lalo na kapag gabi baka kung anong mangyari sayo lalong tumetensyon ang kompitesyon kaya mag iingat ka" ani niya kaya tumango ako at pilit na itinago ang kaba.

"Salamat" nakangiting sabi ko tsaka sila marahang tinanguan.

Lance Pov

Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga litrato ni Ms. Hyeshah. Palagi talaga akong natatawa sa itsura niya sa mga pictures, wala man lang maayos. Agad kong tinago ang camera ko nang may kumatok sa office ko tsaka dali daling umayos ng upo.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon