The Boss And Her Secretary Part 28

67 3 0
                                    

CHAPTER 28

Hyeshah Pov

Lumipas ang araw nang mabawasan ulit kami. Lima nalang kaming mga Hayens na natira dito sa mansyon. Ako, si Agatha, si Juliana, si Gwen, at si Trisha, kami ang magpapatuloy at maglalaban laban sa isang posisyon. Hindi tulad noon, hindi gaanong tensyonado ang paligid. Nag uusap kami na para bang isang magkakaibigan ngunit hindi na siguro talaga maiiwasan ang pagtataray ni Agatha na napagpapasensyahan naman namin.

"Guys have you heard the news? Makakabonding na raw natin si Ms. Nathalia" masayang balit ni Gwen.

"At saang mundo mo naman yan nakuha tsk?" Pagtataray ni Agatha.

"Jan lang besides hindi naman masamang maexcite yiiieee hanggang ngayon amaze na amaze pa rin ako sa ganda niya" masayang bwelta naman ni Gwen kung kaya't inirapan na lamang siya ni Agatha.

"Oyy Juliana ayus ka lang?" Tanong ko nang mapansin na tahimik si Juliana kaya agad itong tumingin saakin.

"Ha? O-o-ofcourse", pilit na ngiting sagot nito.

"Bakit ang tahimik mo?"

"Ahh nothing its just that, namimiss ko lang si Nichole" sagot nito kaya natahimik kaming lahat. Saaming lahat siya ang pinakamalapit kay Nichole kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya.

"Konting tiis nalang---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang sumulpot si Ms. Lao kaya agad kaming napaayos.

"Okay ladies proceed to your respected classroom" ani ni Ms. Lao kaya agad kaming kumilos. Bakit classroom? Dahil mag aaral kami tungkol sa negosyo. Nakaramdam ako ng tuwa nang malaman kong mag aaral kami sa kursong pagnenegosyo at maari kaming makakuha ng diploma rito. Gustong gusto kong mag aral pero pinipigilan ako ni mama dahil hindi raw nababagay sa antas ng buhay namin ngunit alam kong may rason sa likod ng sinasabi niyang yun. Masigla akong nakinig sa pag aaral at aaminin kong marami akong natututunan dito.

"Class dismiss" yan ang sabi ng guro namin kung kaya't agad akong nagligpit ng gamit.

"My god I hate buisness" inip na sabi ni Agatha na hindi nalang namin pinansin. Sabay sabay kaming lima syempre kasama si Diane na nakapasok din sa top 5 ngunit hindi ito umiimik kung kaya't hinahayaan nalang namin dahil na rin sa naiilang din talaga kaming kausapin siya dahil sa nangyari sa bundok.

"Oyy mauna muna ako ha" paalam ko sakanilang apat at agad naman nila akong nginitian.

"Sure, balik ka ahh" nakangiting sabi ni Juliana na agad kong tinanguan. Tahimik ko silang iniwan, gusto kong yumuko habang naglalakad dahil sa tingin ng mga bantay ngunit pilit ko iyong nilabanan dahil mas malalagot ako kay Ms. Lao.

"Sha!" Dinig kong tawag sa pangalan ko kung kaya't napahinto ako, nilinga linga ko ang aking ulo ngunit wala akong makitang tao, wala na ring bantay sa parteng ito.

"Psst sha!" Dinig ko ulit kaya kumunot ang noo ko habang sinusundan ang tinig na yun ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang may biglang humila saakin at tinakpan ang bibig ko dahilan para magpumiglas ako.

"Ssshhh sha ako to si Sabrina" bulong nito kung kaya't natahimik ako at hindi makapagsalita. Naramdaman ko nalang na tinanggal nito ang kamay niya sa bibig ko at hinila ako sa isang tagong lugar.

"Hoy sha!" Paggising nito saakin dahil hanggang ngayon nahuhumaling pa rin ako sa kagandahan niya bwhahahhaha.

"Baby labs ko" usal ko ngunit pag iirap lamang ang natanggap ko sakanya, langya hanggang ngayon wala pa rin siyang pinagbago.

"You should be classy tigilan mo na yan Sha" paninermon nuto kaya ngimiwi ngiwi ako.

"Anak ng minsan na nga lang akong maging ako tapos haharangan mo pa mas ayus ang magpakatotoo" giit ko sakanya ngunit natigilan ako nang bigla siyang magseryoso.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon