The Boss and Her Secretary Part 5

135 2 0
                                    

CHAPTER 5

Hyeshah Pov

Ilang araw na ako sa bahay ni Sabrina at paghihirap ang dinanas ko sakanya. Kung minsan ay napapaluha nalang ako sa hapdi na idinudulot ng ginagawa niya sa katawan ko. Ipinagpaalam na rin ako mi Sabrina kay mama kung kaya't dito ako natutulog. Aaminin kong malaking bagay na rin ito para hindi ko muna makita si mama at makalimutan ko ang nangyari saamin. Ilang beses nang pumunta rito si mama para kausapin ako pero ang tanga ng katawan ko dahil hindi siya hinaharap. Minsan naiiyak nalang ako kapag nagkukwento siya sa pinto ng kwarto kung saan ako natutulog. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Nararamdaman kong marami pa siyang sekreto na hindi sinasabi saakin.

"Are you okay?" Tanong ni Sabrina kaya agad akong natauhan at dali daling tumango sakanya. Sa ilang araw na pamamalagi ko rito lalong nahuhulog ang loob ko sakanya. Bwhhahaha langya . Kahit pa puro pagpapahirap ang ginawa niya saakin tsk! Gusto niyo malaman paghihirap ko? Tsk!

FLASHBACK

Day 2

"A-a-aray ko baby labs ang sakit!!! A-a-aray! Langyaaaa i-- waaaaahhhhhh ayoko na nak ng!!! Humanda kayo saakin!!!!!!! Waaaahhhhhhhhhh" Mangiyak ngiyak kong sigaw nang bigla niyang tanggalin ang mga idinikit niya sa katawan ko.

"Bakla pakitulungan nga akong tanggalin ito" naiiritang sabi ni Sabrina habang ako naluluha na. Agad na tumulong ang isang baklang kasama niya sa pagtanggal ng pesteng plastic na nasa katawan ko.Tsk pagkatapos niyang idikit sa katawan ko tapos tatanggalin niya hindi niya ba alam na ang sakit sakit! Hindi naman ako makapalag dahil tang juice si Baldo ginapos na naman ako. " Wag kang maingay Sha pwede? Nakakairita ang boses mo ang ingay tiisin mo lang yan para matanggal ang mga buhok sa balat mo nang kuminis ka" ani ni Sabrina kaya lalo akong sumigaw.

Day 2

"Hyesha stand straight! Walk like a lady dahil pagtatawanan ka kapag naglakad kang siga roon" seryosong sabi ni Sabrina kaya ngumuso ako.

"Hindi ba uso sa kompetesyon na yan na be yourself" nakangusong sabi ko dahil heto kami ngayon pinag aaralan kung paano kumilos ang isang babae na pinandidirihan ko sa lahat. Alam niya naman na ayaw ko sa lahat yung kumilos ng babae dahil nakakasuka. Nang sabihin niya nga saakin ang mangyayari ngayon ehh halos tumakas na ako sa bahay niya pero tang juice si Baldo nakasalubong ko sa gate kaya ang ending eto naghihirap sumuot ng nakakasukang bistida at masakit sa paa na sapatos.

"Hindi mo huhubarin ang sapatos na yan hangga't hindi ka nakakapaglakad ng maayos Sha kaya sundin mo yung sinasabi ko kung ayaw mong mabalian ng paa" seryosong sabi ni Sabrina kaya wala akong choice kundi magpakaalila sakanya waaaaahhh.

Day 3

"Waaaahhhh ano na naman yan!!!!!!!" Inis kong sigaw pero tinaasan agad ako ng kilay ni Sabrina.

"Wag kang OA pwede ba aayusin natin yang mukha at buhok mo" mataray na sabi ni Sabrina kaya ngumuso ako.

"Baby labs papatayin mo na ba ako? Torture ang ginagawa niyo ah" inis kong sabi pero hindi niya ako pinansin. Maya maya pa ay niyaya ako ng bakla na maupo sa isang upuan at wala akong choice dahil nakita ko agad si Baldo na hawak ang tali. Jusko naman ang hapdi kaya sa balat ang tali.

"Wag kang mag alala konting hapdi lang ang mararamdaman mo hindi tulad noong nakaraan" ani ng bakla pero nginusuan ko lang siya. Maami siyang nilagay sa mukha ko at aaminin kong hindi nga iyon mahapdi pero tang juice mangiyak ngiyak ako nang may ginawa sila sa may bandang kilay ko dahilan para igapos na naman ako ni Baldo. Tang juice!!!!!!!!!!!

Day 4

"Saan ka pupunta?" Mataray ma tanong ni Sabrina kaya ngumuso ako.

"Uuwi na" nakangusong sagot ko kaya tinaasan niya lalo ako ng kilay.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon