The Boss And Her Secretary Part 22

81 3 0
                                    


CHAPTER 22

HYESHAH POV

"Ayan na pala sila ohh" dinig kong boses ni Julianna.

"Hyeshah!!" Tawag nito saakin kaya napapalunok akong tumakbo upang makaiwas na rin kay Lance.

"Saan kayo galing" tanong ni Wynne na kabilang rin sa kompetisyon.

"Aahhh w-w-wala j-jan lang"

"Saan?" Taas kilay namang tanong ni Veronica.

"J-jan ehh d-di ko naman alam ang lugar na to may barangay ba dito?" Ani ko tsaka sila iniwan. Agad akong lumunta sa bahay kung saan naroon si Gwen at doon ko nadatnan si Agatha na nakasandal sa isnag ding ding. Si Gwen na nakaupo sa kama. Si Nichole na seryoso ang mukha at si Juliana na nakasunod saakin.

"Anong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ko.

"Saan ka galing?" Seryosong tanong ni Agatha dahilan upang mapalunok ako.

"J-jan lang" sagot ko kaya kumunot ang noo niya.

"Saang jan lang"

"Haaisst ewan basta jan lang! Teka may meeting ba dito hah bakit nandito kayo!" Pag iiba ko ng usapan.

"Bawal?" Taas kilay na tanong ni Agatha pero hindi ko na siya pinansin.

Sayang supalpalin ng babaeng ito!!

"Kanina kinausap ang mga Hayens na nandito ni Tatang Jose, siya ang pinuno rito at tatlong araw tayong mananatili dito sa tribo nila at sila ang magdedesisyon kung magpapatuloy tayo sa paglalakbay o hindi" ani ni Nichole kaya kumunot ang noo ko.

"Alam na ng mga naunang Hayens ang tungkol dito" ani naman ni Juliana.

"Wala ba kayong napapansin?" Tanong ni Gwen kaya napatingin kami sakanya.

"Na ano?" Tanong naman ni Agatha.

"Parang may mali ehh" kunot noong sabi niya kaya napakunot ako ng noo.

Napapansin niya rin..

"Tulad ng??" Tanong ni Agatha.

"Bakit hindi ka napatalsik?" Diretsong tanong ni Gwen kay Agatha na ikinagulat namin.

"G-gwen" usal ko.

"Nakita namin ang pangyayari Agatha" ani ni Gwen na ikinagulat namin. Tiningnan ko si Agatha na parang hindi man lang nagulat sa nangyari.

"Oh ano naman?" Hirit ni Agatha.

"Sinundan namin si Jean dahil iba na ang kutob namin sakanya noong humiwalay kayo saamin, hanggang sa nakita namin ang pagpatay mi sakanya pero nakakapagtaka kung bakit hindi ka pa napapatalsik, hindi ba't bawal manakit ng kapwa Hayen" ani ni Gwen na ikinalunok ko. Tiningnan ko si Agatha na nakakunot ang noo hanggang sa bumalik ulit sa normal niyang expression.

"Ngayon alam niyo na pinaglalaruan tayo rito" nakangising bulong ni Agatha na ikinagulat namin. Agad na kumilos si Juliana at sinara ang pintuan tsaka lumapit saamin.

"Napapansin niyo rin" ani nito kaya lalong kumunot ang noo ko.

Kung ganun hindi lang ako ang nakakapansin..

"Enough wag na wag niyong sasabihin ang nangyari kung ayaw niyong mapahamak, sahil kaya kayo buhay ngayon yun ay dahil sa rules na sinuway ko at kapag nalaman nilang walang bisa yun dito sa bundok asahanniyo na ang gulo" ani ni Agatha tsaka kami iniwan.

"Hyesh mag iingat ka kay Agatha" bulong ni Gwen nang tumabi ako sakanya pero hindi ko na ito pinansin.

Sino ka ba talaga Agatha...

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon