The Boss And Her Secretary Part 31

63 3 0
                                    

CHAPTER 31

Hyeshah Pov

"Hyeshah my god" bungad saakin ni Julianna pagkapasok na pagkapasok palang niya ng pinto ng kwarto.

"Hyesh!" Bungad naman ni Gwen habang si Agatha ay tinanguan lang ako.

"How are you? O my gosh are you okay? May masakit ba sayo? Ano ba kasing nangayari?!" Sunod sunod na tanong ni Gwen.

"Will you please shut up, malamang hindi siya okay" inis na sabi ni Agatha kaya napangiwi nalang ako.

"Araw araw palagi kang may mens" nakangusong sabi ni Gwen.

"Tumigil na nga kayo ilang minuto lang ang pagdalaw natin dito kaya sulitin na natin" biglang awat ni Julianna sa dalawa.

"Ilang minuto lang?" Tanong ko.

"Oo ehh sabi ni ms. Lao mahigpit ang pagbabantay nila saatin tsaka may klase pa kami kaya ikaw bilisan mo ang pagpagaling dahil marami kang namimiss na lessons" ani ni Juliana kaya napatango nalang ako. Marami kaming napagkwentuhang apat, at kagaya ng inaasahan ko itatanong nila kung anong nangyari saakin pero dahil mahigpit na ipinagbawal ang pagkwento tungkol sa nangyari ehh naintindihan naman nila kung bakit hindi ko sila masagot. Ilang sandali pa ay pinalabas na rin sila ng mga tauhan ng mga Hyden dahil tapos na ang oras ng pagdalaw.

Ilang araw na ako rito sa kwarto at inaamin kong bagot na bagot na ako. Piling bisita lamang ang pinapapasok sa sovrang higpit.

"Haist kamusta na kaya sina Syndie" wala sa sariling sabi ko.

"Kinakausap mo na naman ang sarili mo"

"Ayy tipaklong!" Wala sa sariling sigaw ko nang biglang lumitaw ang boses sa kwarto.

"Anak ng pinritong tokwa naman Lance aatakihin ako sa puso sayo eh!" Sigaw ko.

"Hahaha I really love that" natatawang sabi niya kaya natigilan ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. "Yung palagi kang nagugulat, nakakatawa ang itsura mo" dagdag nito na ikinasimangot ko.

"Lumayo kabg langya ka baka mabato ko sayo ang mansanas" pagbabanta ko na ikinatawa niya.

"Kamusta ka?" Tanong niya tsaka naupo sa kama.

"Eto bukod sa pagaling na ehh namimiss ko na rin ang pamilya ko" ani ko tsaka bumuntong hininga.

"Gusto mo silang makita?" Tanong nito tsaka kinuha ang grapes sa mesa at agad iyong ibinigay saakin na kinuha ko naman.

"Bakit naman hindi?" Nakangiting sabi ko kaya natigilan ito.

"Magpagaling ka na, para makabisita tayo sainyo" nakangiting sabi niya na ikinagulat ko.

"Seryoso ka?" Gulat kong usal kung kaya't tumango naman ito.

"Weh?"

"Hindi ako nagbibiro Ms. Hyeshah" seryosong sabi niya pero nakangiti kung kaya't agad nanliwanag ang mukha ko.

"Waaaaaahhh" biglang sigaw ko habang hinahawakan ang mukha, kung wala ang akong sugat baka pumapalakpak pa ako. "Sigurado yan ha! Aasahan ko yan hoy Lance wag kabg talkshit!" Ani ko habang dinuduro siya na ikinatawa niya.

"Yes boss" natatawang sabi niya. "Here, kumakin ka ng prutas sabi ni mommy effective daw to para mabilis ang paghilom ng sugat" sabi niya tsaka bumaba ng kama upang kumuha pa ng prutas.

"Kumain ka na ba?" Tanong nito kaya tumango naman ako.

"Kanina pa noong dumalaw sina Gwen" sagot ko sakanya. Kinain kami ng katahimikan, siya na nagbabalat ng orange at ako na pinapanood siya.

The Boss And Her SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon