Chapter 6:Circe's POV:
Nanlumo siya habang nakatingin sa niluto niyang agahan ni Aleksander.
Hindi niya tuloy alam kung pagkain pa ba ang niluto niya o nagbabalat kayong uling na lang.
Sunog na sunog ah.
World record ang ginawa niya, feeling niya sa sobrang pagka uling ng ginawa niya pag ibinato niya iyon eh biglang magiging abo ng uling na sa sobrang sunog.
Buti na lang at may exhaust fan kung hindi ay triggered na ng fire alarm ng bahay.
Dati naman hindi nasusunog ng ganito ang mga niluluto niya pero bakit ngayon sobrang sunog na?
Bumuntong hininga siya.
Distracted na siya masyado....at guilty dahil sa ginawa niyang pagtulak dito sa bathtub.
Distracted dahil naalala niya ang pakiramdam ng 'hotdog' ni Aleksander...
Kaya siguro nasunog ko 'tong hotdog na niluluto ko. sabi niya sa isip at agad siyang namula ng todo dahil aminin man niya o hinid naiisip niya ang pa 'hotdog' ni Aleksander.
Bigla niya tuloy naalala ang commercial sa TV tungkol sa hotdog...
Tender juicy.
"Shit!" malakas siyang napamura habang pulang pula ang mukha niya.
Kailangan na niyang kalimutan at huwag nang isipin ang mahiwagang 'hotdog' ni Aleksander.
"What did you cook?" biglang sabi ng isang mababang boses sa likod niya.
"Ay hotdog mo!" nagulat at malakas niyang sabi.
Natigilan siya...at napatitig naman ito sa kanya.
Hiling niya ay kainin na siya ng semento ng bahay ni Aleksander.
Napayuko siya.
Bwisit!
Sandali lang....hindi pala nakakaintindi ng tagalog 'to. sabi niya sa sarili, safe pa rin siya,
"This is my first time a weird food...and from here...I could tell it will endanger my life" sabi nito ng pormal ang mukha.
Napasimangot naman siya dahil sa sinabi nito.
Napatingin siya dito nung parang may narinig siyang parang natawa?
Pinagtatawanan ba siya nito?
Nagsalubong ang kilay niya.
"Are you making fun of me?" ewan niya kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na sagutin ito sa ginagawa nito, may kasalanan pa siya dito at saka pasyente niya ito.
Dapat ay maging professional siya.
Hindi niya alam pero parang naiirita siya na...natutuwa?
Napakurap siya.
Bakit ba siya natutuwa ngayong parang natutuwa ito?
Dahil ba napangiti niya ito?
Napasimangot siya.
Hindi naman talaga napangiti ito...
"What? You got a problem if I laugh?" tanong naman nito.
Natigilan naman siya sa sinabi nito.
Napatawa ko nga siya?
"Because you're making me feel like I'm so stupid when it comes to cooking" nakasimangot niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/184611088-288-k302286.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aleksander
RomanceThey call him Mr. Nice Guy. His family thinks otherwise.. Others call him as an angel. He just laughed it all inside. They labeled him as the man who knew what he wanted. But they're wrong... Because he's a guy who doesn't know what he really wants...