Chapter 23:Circe's POV:
"No, she's not alone... she's with her boyfriend" sabi ng isang boses sa likod niya at pagtingin niya ay nakita niya ang supladong mukha ni Aleksander.
Agad bumilis ang tibok ng puso nya sa sinabi nito.
Ano daw siya nito?
Asawa?
Ambisyosang bingi jowa mo daw! tili ng isang parte ng isip niya.
Namula siya.
Ano bang iniisip niya at naisip niyang tunog asawa ang sinabi nito?
Naloloka na yata siya.
"Oh cool down dude, I was just being nice since she looks alone--"
"But she's not..." sabi nito at tumingin sa kanya at agad na nagtama ang mga mata nila.
Namula siya ulit pero nakakapagtaka dahil hindi niya mabawi dito ang tingin.
"... I'm with her...always" sabi nito habang hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.
Sunod sunod ang naging lunok niya at feeling niya, naging sila lang na dalawa sa mundo at ito lang ang nakikita niya.
Hindi niya tuloy alam kung maiilang siya o kikiligin siya ng todo sa sinabi nito.
Tumikhim siya at pinilit ang sarili na ibaling ang tingin sa babaeng kumakausap sa kanya.
"S-sorry, I appreciate the invitation, but I'm w-with him at the moment...but next time I will hang out with you" sabi niya at ngumiti dito pero bakit may pakiramdam siyang parang umaapoy sa likod niya?
Pero hindi niya iyon pinansin at patuloy pa din niyang kinausap ang babae.
Ewan niya pero parang natatakot siyang makita ang itsura ngayon ni Aleksander.
"Okay,..." sabi nito at tumingin sa likod niya at alam niyang si Aleksander ang tinignan nito at parang saglit itong ngumiwi at saka ibinalik ng babae ang tingin sa kanya.
..."I think I'm disturbing you guys so...see you around and nice to meet you, Circe" sabi nito at ngumiti ng tipid ito sa kanya at saka umalis na.
Pagharap niya ay nakita niya ang pormal na mukha ni Aleksander.
Hindi na lang siya umimik.
At saka ito tumalikod, napanguso naman siya.
Alangan namang hindi niya pansinin ang kumakausap sa kanya di'ba?
Ano bang problema niya?
Ito ang nag yaya na lumabas sila at ngayong nasa labas sila at ay kinausap na siya ay parang ito pa ang galit?
At bakit siya nito tinawag na girlfriend nito kanina?
Pagka isip niya sa salitang iyon ay agad na dumagundong na naman ang puso niya, paa kasing overwhelming at nakakakilig na iisipin niyang magiging girlfriend siya--
Teka lang! biglang kabig ng isip niya.
Hala? Bakit iniisip na niyang maging girlfriend siya nito?
Hindi ba ayaw niya?
Tama di'ba--
Napatigil siya sa pag iisip nung biglang tumigil ito kaya naman nabangga niya ang likod nito.
"Why the sudden stop--" napatigil siya sa pagrereklamo nung biglang hinigit nito ng malaking kamay nito ang braso niya.
Napasinghap na tumingin siya dito, tapos ay sa malaking kamay nitong nakahawak sa kanya, parang may kakaiba kuryenten sa simpleng paghawak lang nito sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/184611088-288-k302286.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aleksander
RomanceThey call him Mr. Nice Guy. His family thinks otherwise.. Others call him as an angel. He just laughed it all inside. They labeled him as the man who knew what he wanted. But they're wrong... Because he's a guy who doesn't know what he really wants...