Wife (Mild spg)

13.1K 413 12
                                    


Chapter 29:

Circe's POV:

"Surprise wifey" sabi ni Aleksander na ikinanganga niya.

Hindi makapaniwalang nakatingin siya dito.

Ano?

ANO!! Gusto niyang isigaw iyon dito pero parang nalulon niya ang sariling dila habang nakatingin lang dito.

Umiling iling siya.

Hindi totoo...tama?

"J-joke ba 'to?" hindi niya sinasadya pero nanginginig na ang boses niya habang nagtatanong dito, ewan niya pero kahit na hindi sumagot si Aleksander ay nakikita niya sa mga mata nito na nagsasabi ito ng totoo.

Ibig sabihin?

"A-asawa..." shocked na shocked siyang nagsalita ng wala sa loob.

Hindi siya makapaniwala...

Nasapo niya ang noo.

Tama pala ang kasabihan.

Basta may alak, may balak.

"Are you okay?" tanong ni Aleksander sa kanya.

"Of course I'm not okay! Nagulat na lang ako na kasal na ako, at may asawa, at ikaw! Taking advantage ka! Langya! Walang ligaw ligaw? Asawa agad? Tapos kanina? Ano 'yon! Kagabi lang nagsasaya kami ni Ana tapos may bigla na lang magsasabi sa akin kinabukasan na may asawa na ako?" sunod sunod niyang talak dito.

Wala na siyang ibang magawa kungdi ang tumalak dahil sa kabiglaan--

Teka?

"Hindi totoo ang kasal di'ba? Hindi mukhang pari--"

"It's real? How come that you know that it's not a real priest?" Sabi nito, hindi niya alam pero sa pagkakasabi nito ay talagang totoong kasal na nga sila.

Nasabunutan niya ang sarili tapos ay natigilan.

Bigla niyang naalala ang itsura ng nagkasal sa kanila.

"Kamukha ni Elvis!--" natigilan siya sa pagkakasabi niyon.

Ang alam lang niyang may elvis sa lugar na nagkakasal ay--

Napasinghap siya at wala na sa loob niya na wala ni isang saplot sa katawan at dali dali siyang tumayo at agad na hinablot ang makapal na kurtina at base sa itsura niyon, wala sila sa lugar kung saan siya nakatira.

"Yes wifey.... we're in Vegas" sabi ni Aleksander na hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya at ramdam niya ang mainit nitong hininga sa batok nya na agad na ikinatayo ng mga balahibo niya.

Napasinghap siya ng malakas at agad na lumayo dito.

At saka niya lang namalayan ulit na wala siyang anumang suot nung nagtaas baba ang mga mata nito sa buong katawan niya.

Tumitiling agad siyang nag dive sa kama at agad na kinuha ang kumot na nandoon sa malapit at para siyang naging isang lumpia...kaso nga lang hubad.

Lumpiang hubad?

"You don't have to hide your body... I've seen it last night and today...I even have a taste of it" paos na boses na sabi nito at saka nito dinilaan ang sariling bibig na parang takam na takam ito sa kanya.

Namula siya ng todo.

At saka siya natigilan.

Ang naramdaman ba niya nung akala niya ay panaginip ay totoo?

Napahawak siya bigla sa pagitan ng mga hita niya.

Ibig sabihin--

"Yes, it was supposedly our honeymoon last night but then--"

Perfect Imperfections : Aleksander Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon