Chapter 17:Circe's POV:
Napanganga siya sa sinabi ni Aleksander.
Anong sinabi nito?
Natigilan siya at napatitig lang dito
"G-gusto mo ako w-what?"natutulirong tanong niya dito.
Tama ba siya ng naririnig?
Gusto siya nito?
Halos mawalan siya lahat ng katinuan sa sinasabi nito.
Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya.
At dahil titig na titig ito sa kanya ay namumula ang buong mukha niya habang ng puso niya at sobrang bilis na ang tibok.
"Yes...I like you Circe" ulit nga nito at nanlalaki ang mga matang nakatingin lang dito.
Ibang iba ang pagkakasabi nito sa pangalan nya, na parang isang malakas na pagkakasabi sa pangalan niya ay mababasag na 'yon?
Napalunok siya.
At tama siya ng dinig...
Gusto niya ako...
Nakakaramdam siya ng tuwa.
Pero bakit parang mas lamang ang takot?
Hindi niya alam kung bakit parang may lumukob sa kanyang isang matinding takot sa sinabi nito.
Kilala niya ang sarili, hinding hindi siya agad natatakot at hinaharap niya ang lahat ng problema.
Pero bakit sa sinabi ni Aleksander ay natatakot siya?
Napalunok siya at biglang umukilkil sa isip niya ang mga naganap sa buhay niya dahil sa isang lalaki.
Ang hirap ng nanay niya sa pagbuhay sa kanya.
Sa hirap nitong dalhin ang lahat ng sakit ng loob nito sa isang lalaki.
At ang epekto niyon sa buhay niya.
Ang pagkawala ng nag iisang taong pamilya niya.
Bigla ang paglukob ng isang malamig na bagay sa kanya na bigla ay parang gumising sa buong paghkatao niya dahil sa sinabi nito.
Hindi pwede.
Ayoko.
Nasira ang buhay ng nanay niya dahil nagkagusto ito sa isang lalaki.
Dati noong mgha panahon na nag iisa siya, hiniling niya na sana ay hindi nakilala ng nanay niya ang tatay niya, na kahit hindi na siya mabuhay sa mundo, basta hindi lang maghirap ang nanay niya.
Alam niya dating kung hindi dahil sa tatay niya ay hindi siya mabubuhay sa mundo pero wala siyang ibang hiniling dati na dapat ibinalik na lang ng Diyos ang oras at hindi na lang nakilala ng nanay niya ang tatay niya.
Baka sakaling hindi naghirap ang nanay niya sa malupit na mundo.
"Let go" malamig ang boses na sabi niya.
At dahil titig na titig siya dito habang nakatingin din ito sa kanya ay nakita niya ang gulat sa mukha nito.
Para siyang nagising sa isang panaginip.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aleksander
RomanceThey call him Mr. Nice Guy. His family thinks otherwise.. Others call him as an angel. He just laughed it all inside. They labeled him as the man who knew what he wanted. But they're wrong... Because he's a guy who doesn't know what he really wants...