Chapter 37:Circe's POV:
Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa bintana ng bahay niya sa pilipinas.
Ilang linggo na din nung nakauwi na siya at kasalukuyan siyang nagmumukmok habang inaantay pa ang tawag ng magiging bagong trabaho niya dito sa pilipinas.
At as usual, mahirap maghanap.
Hindi kagaya sa ibang bansa na may opportunity kapag gugustuhin at gagawin mo.
May pera pa naman siyang naitabi sa trabaho niya sa Amerika.
Pero simula nung umalis na siya doon ay syempre ay naghanap siya ng bahay.
Bumuntong hininga siya, malaki nga ang naging sweldo niya kung tutuusin at may natira pa at gaya ng dati tahimik ang buhay niya.
Tahimik.
Pero sobrang tahimik.
At may kulang...
Aleksander... bulong niya sa isip.
Simula nung nag away sila at bumalik siya dito, wala na siyang naging balita dito, maging si Ana.
Parang walang nangyari.
Na parang sa naganap eh hindi niya alam na kung totoo ang nangyari doon.
As in wala siyang anumang balita--
Natigilan siya.
Hindi ba at ipinangako na niyang magsisimula na siya ulit? Iyong buhay na tahimik.
Iyong--
Buhay na wala si Aleksander? singit ng isip niya.
Ipinilig niya ang ulo.
Nung nagtapat siya dito na mahal niya ito ay akala niya pipigilan siya nito pero hinayaan lang siya nitong makaalis sa bahay nito at hndi na siya hinabol.
Agad na nanariwa sa kanya ang mga nagyari at agad na nangilid ang luha niya sa mga mata.
Gabi gabi na lang siyang umiyak.
At iniisp kung ano pa ang mga nangyari kung hindi siya umalis, para kasing tinototoo niya ang bagay na kinatatakutan nito sabi nito.
Ang hindi niya ito mahalin at iwan niya ito.
Ang kaibahan lang...mahala niya ito pero iniwan pa rin niya.
Pero anong magagawa niya? Nawala kasi ang tiwala niya.
At isa iyon sa pundasyon ng isang relasyon at pagmamahal.
Bumuntong hininga siya.
Tumayo siya sa harap ng salamin at tinignan ang sarili.
Para siyang losyang na losyang na may doseng anak....ang kaibahan lang hindi laylay ang dibdib niya.
Humpak ang pisngi niya at nanlalalim ang mga mata niya at nangingitim ang mga iyon.
Mukha akong panda. sabi niya sa sarili.
Napapitlag siya nung biglang tumunog ng malakas ang cellphone niya.
Para siyang isang nasa marathon na biglang tumakbo at hinagilap ang cellphone niya.
"Hello?" agad nyang sagot dahil ang nakaregister na number sa screen ay sigurado siyang landline ang tawag.
"Circe" sabi ng kabilang linya.
Natigilan siya at agad na nahigit niya ang pahinga.
Kilala niya ang boses na 'yon.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aleksander
RomanceThey call him Mr. Nice Guy. His family thinks otherwise.. Others call him as an angel. He just laughed it all inside. They labeled him as the man who knew what he wanted. But they're wrong... Because he's a guy who doesn't know what he really wants...