Awaken(Mild spg)

17K 547 19
                                    

Chapter 13:

Circe's POV:

Pormal na tinignan niya si Aleksander habang sinusuklay niya ang buhok nito, kakatapos lang nitong maligo kanina at dahil napansin nyang parang hirap pa rin talaga itong itaas ang kamay nito ay nagdesisyon na siyang tulungan ito, pati nung nagsusuot ito ng damit.

Nitong huling tatlong araw ay hindi niya masyadong pinapansin ito o nakikipag away dito.

Ang rason?

Nagdesisyon na siyang mas importante sa kanya ang nararamdaman ni Ana, at saka kung anumana ng ginawa ni Aleksander sa kanya nung nakaraang gabi ay kinakalimutan na niya iyon.

At sigurado siyang wala itong nararamdaman na kung ano sa kanya at feeling niya...nadala lang talaga ito sa sitwasyon.

Hindi naman nito iniungkat ang nangyari at iyong sinabi niyang mag apologize ito ay hindi na niya binuksan dahil ayaw na niyang pag usapan ang nangyari.

"There" tipid niyang sabi at saka siya lumabas para magpalit na din ng damit para samahan ito sa doktor nito.

Ito kasi ang araw ng checkup nito ulit.

Nitong huli ang tanging ginagawa na lang niya ay ang iwasan ito pero kailangan ay nasisiguro niyang magiging malusog pa rin ito at naalagaan niya it ng husto.

Dahil ang tamang gagawin niya kapag magaling na ito...ay ang umalis siya.

Kailangang makaalis na din siya dito dahil hindi na din niya alam halos ang gagawin niya sa mga nararamdaman niya.

Ang hirap din naman kasing iwasan ito, lalo na kapag malapit ito ay bumibilis ang tibok ng puso niya at conscious an conscious siya sa itsura at sa mga galaw niya.

Ewan niya kung napapansin nito na iniiwasan niya ito dahil tahimik lang ito at kung minsan ay parang nahuhulog ito sa malalim na pag iisip.

Ayaw man niya ay kailangan lagi siyang nakatingin dito dahil pasyente pa rin niya ito.

At saka ayaw niyang madagdagan ang injury nito dahil hindi pa ito nakakalakad ng mabuti.

Kapag nakakalakad na ito ng mabuti ay sasabihin na niya kay Ana na aalis na siya.

Napabuntong hininga siya.

Hindi niya alam pero nung gabing iyon ay parang guilty na guilty siya.

Para kasing isa siyang kabit?

Habang nag uusap kasi ang mga ito ay ramdam na ramdam niyang isa siyang outsider sa relasyon ng mga ito.

Kitang kita niya ang relasyon ng mga ito na kahit hindi niya tatanungin ay alam niyang magka konekta ang buhay ng mga ito sa isa't isa.

Habang siya.

Ipinilig niya ang ulo at mabilis na mabilis nag shower.

Kailangan na niya talagang umalis sa bahay ni Aleksander.

Parang tama ang pakiramdam niya dati nung una siyang pumasok sa bahay nito, na parang isa iyong malaking pagkakamali?

Iyong pakiramdam niyang para siyang isang biktima ng leon?

Maloloka na yata siya sa mga naiisip, wala sa loob na napatigil siya sa pagbibihis.

Natigilan siya.

Kung aalis na siya dito, paano na si Ana?

Teka? Paanong si Ana? tanong ng isang parte ng isip niya.

Natawa siya ng pagak.

Wala siyang pag asa dito.

Tama.

Perfect Imperfections : Aleksander Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon