Chapter 31:
Circe's POV:
"Do you even think that I will give you a divorce? Not a chance wifey" sabi ni Aleksander at bago siya naka react ay agad nitong mabilis siyang hinalikan sa mga labi at napasinghap siya na agad tumingin sa magulang nito.
"Aleksand--ahhh!" napatili siya nung biglang nakasampay na lang siya bigla sa balikat nito na parang bagong katay na baboy sa balikat ng matador.
Nagulat na agad niyang iniangat ang ulo at tinignan ang mga magulang ni Aleksander at kitang kita niya na nagulat na ekspresyon ng mga ito, namula siya.
"Aleksander! Ano ba! Nakakahiya anong ginagawa mo!" natatarantang sabi niya at pilit umaalis sa balikat nito pero hawak nito ang bewang niya ng mahigpit para hindi siya makawala.
"My wife and I needs to have a talk" sabi nito at humarap sa magulang nito kaya naman napatalikod siya at hindi na niya nakikita ang mukha ng mga ito at ang nakikita lang niya ay ang mukha ni Ana na kita niya ang panunukso sa mga mata nito.
Ano na lang ang iniisip ng mga ito?
Na magha honeymoon sila?
Lalo siyang namula.
"Ah! W-were not going to have our honeymoon, we were just--"
"But it's better if you ask us" nakangiting sabi ng mommy ni Aleksander.
"Po?"namimilog ang mga matang tanong niya, akmang magsasalita siya nung nakaramdam siya ng palo sa puwet niya.
Napasinghap siya at aga na tinignan si Aleksander pero hindi ito nagsalita at bago niya namalayan ay lumalayo ang tingin niya pamilya ng asawa niya.
Agad siyang nagpapapalag sa hawak nito pero hanggang sa naibaba siya nito sa sasakyan nito ay hindi siya makawala.
"Ikaw! Palabasin mo ako!" Sabi niya dito dahil mabilis itong nakaibis at hindi na niya nabuksan ang pinto ng kotse dahil ini auto lock na nito.
"No, Circe, we need to talk" seryosong seryosong sabi nito at magkasalubong ang mga kilay nito at puno ng determinasyon ang mga mata nito.
Napakurap siya at wala sa loob na napatitig siya sa mga mata nito.
Ewan niya kung ano pero parang naakit siya?
Hindi hindi!panggigising niya sa sariling katinuan.
Ang dapat na gawin niya ay liwanagin ditong hindi siya papayag sa kasal at hindi--
"I miss you" sabi nito bigla at napakurap siya na parang nagising.
Bakit ba ito nagsasabi ng ga salitang nakakawala ng katinuan?
Para itong dimunyu na nang aakit na gaya ng ginawa nito kay Eba.
Bigla niyang naimagine na siya ang eba at nililingkis ng ahas nito--
Namula siya sa takbo ng isipin dahil ibang 'ahas' ang naiisip niya.
Ano bang nangyayari sa kanya?
Kasalanan yata ito ng pang aakit na ginawa nito na siyang resulta ng 'pangangain' sa kanya.
Malay ba niyang nagpipiyesta na ito ng 'tahong'?
Ni hindi niya nga namalayan na ikinasal siya di'ba?
"S-saan ba tayo pupunta?" nauutal na tanong niya dito at iniwas niya ang mga mata dahil namumula na ang buong mukha niya at ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa sinabi nitong namimiss siya nito.
"To the place that started it all" tipid na sabi nito.
Sa bahay nito? Napatingin siya dito.
Ngumiti ito ng tipid...pero hindi umabot ang ngiti na 'yon sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Perfect Imperfections : Aleksander
RomanceThey call him Mr. Nice Guy. His family thinks otherwise.. Others call him as an angel. He just laughed it all inside. They labeled him as the man who knew what he wanted. But they're wrong... Because he's a guy who doesn't know what he really wants...