Pursue

12.7K 504 19
                                    

Chapter 22:

Circe's POV:

Napanganga siya habang nakatingin lang sa ginagawa ni Aleksander.

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya ngayon sa ginagawa nito.

Kakagising lang niya kanina.

At nagulat siya dahil pagkabukas niya ay nakita niyang nag aantay ito sa labas ng pintuan ng kwarto niya.

Hindi niya alam pero pagkakita niya dito kanina ay agad siyang inatake ng hiya...at kasabay niyon ang hindi makontrol na saya at kilig?

Hindi niya alam kung para saan ang saya.

Pero alam niya kung para saan ang hiya, iyon ay dahil hindi siya sanay sa pagiging sweet nito.

Nasanay kasi siyang naka angil ito.

O kaya ay ang suplado nito na parang kapag nagkamali ka ay magta transform itong isang malaking ahas at kakainin ka ng buo.

Iyon nga lang iyong ahas na iyon ay nasa ibaba at nakita na niya kung gaano kahaba ang 'ahas' na 'yon.

Namula siya.

Nasisiraan na yata siya ng bait.

Natigilan siya nung naalala niya sinabi nito kagabi.

Na hindi siya isang lesbyana.

Hindi niya alam kung paano nito nasabi ang bagay na 'yon--

Nagpahalik ka na at kinikilig ka sa kanya. sabad ng isang parte ng isip niya.

Namula siya ulit.

Iyon yata ang batayan nito.

Napaisip siya.

Kung iyon ang batayan nito....tama naman kasi.

Walang lesbyana ang magpapahalik sa isang lalaki kung ayaw niya talaga ng lalaki.

Pero teka?

Hindi kaya bisexual siya?

Napakurap siya.

"Eat...I made it special, just for you" sabi nito bigla sa kanya kaya naman napatingin siya dito.

Pero namula siya nung nakita niya ang mukha nitong ang gwapo gwapo.

At ang bango bango nito na parang mas masarap pa itong isubo keysa sa pagkain--

Bigla itong pumitik daliri nito kaya nagulat siya.

"Ay isusubo kita!" gulat niyang sabi.

Agad niyang natutop ang bibig.

Shit! Shit! sunod sunod na mura niya.

"Later" sabi nito sa nanunudyong boses.

Hindi niya ito pinansin at kunwari ay busy na sa pagkain, kahit na ang totoo ay gusto na niyang palamon sa lupa.

"Slow down, that's too big to swallow" sabi nito sa kanya nung sumubo siya ng itlog.

Hindi pa din niya ito pinansin, at saka niya sinubo ang hotdog.

"My hotdog is tasty right?" sabi nito at saka siya sunod sunod na nabilaukan at kandaubo siya.

"Hey! I said slow down, look what happened...are you okay?" tanong nito na parang ang inosente pero para kasi sa kanya ay iba ang dating.

Kasalanan 'to ng subo subo na 'yon! nagmamaktol niyang sabi sa isip habang pulang pula.

Bakit ba kasi ang dumi ng isip niya.

Perfect Imperfections : Aleksander Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon