Suspicions

13K 478 29
                                    


Chapter 9:

Circe's POV:

Kanina pa niya ramdam ang tila kakaibang tingin sa kanya ni Aleksander matapos ang tawag sa kanya ni Ana, matutuwa na sana siya dahil kinumusta siya nito pero bakit parang kakaiba sa pakiramdam?

Para kasing may mali?

At hindi niya alam kung ano 'yon.

Pigil pigil niya ang sariling huwag tumingin sa passenger side dahil baka magkasalubong sila ng tingin ni Aleksander.

At iyong mali kanina na pakiramdam, feeling niya makukumpirma niyang may mali nga kapag titingnan niya ito.

Tumikhim siya dahil ramdam niya ang tila tensyon sa loob ng sasakyan.

Napalunok siya.

Ano naman kaya problema nitong taong 'to? tanong niya sa isip at ramdam na niya ang pagka conscious na nararamdaman niya sa titig nito ngayon sa kanya.

Kailangan na niyang mag isip ng pwedeng pag usapan nilang dalawa para naman mawala ang pagkailang.

"What are you going to buy?" tanong niya at nagpasalamat siya sa dila niya at hindi iyon baluktot ngayon at hindi siya nautal.

"Some cup measurements and ruler...I want to straight up something..."sabi nit at imagination lang ba niya na parang idiniin nito ang huling salita nito?

"H-how about groceries?" tanong niya dito, nautal na siya dahil parang lumapit ito?

Diyos ko ano...p-puso ko huminahon ka sa pagtibok. Tarantang sabi niya dahil tama siya...lumalapit ito.

"Oh yes, we need hotdogs too...but I think hotdogs aren't your fave...?" sabi nito na parang mainit ang ulo dahil dumilim ang mukha nito>?

Kumunot ang noo niya pagkakita ng mukha nito.

"You're wrong, I love hotdogs" sabi na lang niya dito.

Totoo namang paborito niya ang hotdog, mahilig nga siya sa footlong eh, iyon kasing footlong ang bumuhay sa kanya nung panahong walang wala siya, iyon kasi ang tanghalian niya at hapunan kapag hinati iyon sa dalawa.

Hindi naman siya nauumay doon, may iba iba din kasing flavor kaya hindi naman siya nagsasawa.

Nung tinignan niya ito ay natahimik ito, pero agad niyang iniiwas ang mga mata nung nagtama ang mata nila.

Tumikhim siya.

"How about eggs?" tanong nito at tumikhim pagkatapos.

"Ha? Ahm...well yes? It saves me when I was studying while working, it's cheap and I need to save up for my tuition fees" wala sa loob na nasabi niya.

Bigla niya tuloy naalala ang lahat ng mga hirap niya.

Wala din naman siyang makakapitang iba dahil maagang nawala ang nanay niya, habang ang tatay niya...ang puno ng lahat ng kabwisitan ng buhay niya dahil wala itong bayag at hindi nito pinanindigan ang nanay niya.

Dahil kasi sa tatay niya nahulog sa pagtatrabaho ang nanay niya kaya naman kakatapos lang ng graduation niya nung high school ay pumanaw na ang nanay niya sa sakit sa bato, at dahil sa kahirapan nila ay hindi na niya naipagamot angg nanay niya dahil ayaw siyang tanggapin sa trabaho dahil menor de edad lang siya.

Wala sa loob na humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Stop the car" bigla ay narinig na sabi ni Aleksander.

"Huh?" gulat naman niyang sabi pero dahan dahan ay itinigil niya ang sasakyan sa isang gilid.

"B-bakit? I mean...w-why--"

Perfect Imperfections : Aleksander Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon