Out

14.1K 518 26
                                    


Chapter 16:

Circe's POV:

Sabay na napatingin sa kanya ang magkapatid sa sinabi niya, at kita niya an gulat s amga mukha ng mga ito.

At doon lang niya narealized ang sinabi niya, lumunok siya at hindi ipinahalata iyon sa mga ito.

"...until nakakita kayo ng kapalit ko...." pagpapatuloy niya, at nakita niyang tila nagdilim ng husto ang mukha ni Aleksander, at ewan niya pero parang gusto niyang kabahan?

Tumikhim siya.

"Great! I will find a new one...soon" sabi ni Ana at imagination lang ba niya o parang sinasabihan nito si Aleksander?

Kumunot ang noo niya.

Bakit naman ba niya sinasabihan si Aleksander? Hindi naman ako importante.

"So now, just endure my brother okay? He's too slow sometimes..." sabi nito at nagulat pa siya nung bigla itong lumapit sa kanya at niyakap siya.

Agad siyang napapitlag dahil sa biglang yakap nito.

Natigilan siya.

"Since it's settled...pizza anyone?"

--

Habang kumakain sila ng pizza ay pakiramdam niya ang kinakain nila ngayon ay ang mga dila nila dahil wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita.

At pakiramdam niya kahit na masarap ang pizza ay hindi niya halos malasahan iyon dahil ang awkward ng sitwasyon?

Bakit pakiramdam niya nag uusap ngayon ang magkapatid sa harapan niya pero ito lang ang mga nakakarinig?

Tumikhim siya.

"Hindi kayo magkamukha..."mahinang sabi niya kung narinig ng mga ito.

Lumipat ang tingin ni Aleksander sa kanya at lumunok siya at nag iwas ng tingin dahil nakatitig na ito.

At nako conscious na siya sa ginagawa niyang pagnguya dahil ewan niya kung ambisyosa siya pero nakatingin yata ito sa labi niya?

At sukat sa isipin na iyon ay biglang lumitaw sa isip niya ang naganap nilang halikan.

Wala sa loob na napatingin siya dito...at namula siya ng tod nung nagtama ang mga mata nilang dalawa.

At agad na bumilis ang pintig ng puso niya.

"A-ahm wait kuha lang ako ng juice...pineapple juice right Ana?" tanong niya kay Ana habang iwas na iwas siyang tumignin kay Aleksander na pakiramdam niya pag nagtama ang mga mata nila ay magiging bato siya dahil ito si Medusa--

Iyon nga lang 'yung 'ahas' niya nasa ibaba. tudyo ng isip niya at dahil kahit nakaharap siya kay Ana ay pumula ng husto ang buong mukha niya dahil sa naiisip.

Agad siyang tumalikod at hiling niya bumuka ang sahig at lamunin na ng buo si Aleksander.

Habang nasa kusina siya ay hindi niya maiwasan na hindi mag isip ung bakit bigla na lang siyang pumayag na huwag unang umalis dahil kanina ay kulang na lang ay maging ibon siya at lumipad na lang.

At dahil luka loka siya ay bigla na naman niyang naisip ang bird ni Aleksander.

Namumulang ipinilig niya ang ulo dahil sa mga berdeng bagay na naiisp niya.

Hindi niya alam kung bakit ang laswa na niya.

Bumuntong hininga siya.

Anong gagawin niya?

Tama talaga siya sa naisip dati eh.

Na kapag pumasok siya sa bahay na ito ay pakiramdam niya hindi na siya makakaalis.

Perfect Imperfections : Aleksander Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon