Ang Pagganti kay Misha Montero Part 1

13.2K 103 1
                                    

ANG PAGGANTI KAY MISHA MONTERO

Year 2005

"Alondra, would you like to join us sa table namin?"

Mula sa sketch pad ay nalipat and atensyon ni Alondra kay Misha. Nakangiti ito sa kanya. Namumula ang magkabilang pisngi nito dahil sa init ng panahon.

"Bakit?" sabi niya.

"Wala lang," sabi ni Misha. "Napansin lang namin na... wala kang kasama. So we want to invite you in."

Nilingon ni Misha ang mga kaibigan nito. Nilingon din ni Alondra ang mga iyon. Sabay-sabay na kumaway ang mga iyon sa kanila, pare-parehong nakangiti. Posturang-postura ang mga ito.

Bumaling si Misha sa kanya. "So, c'mon, Alondra. Para hindi ka naman alone dito."

"S-seryoso ba kayo?" sabi ni Alondra. Napalunok. Ang grupo nina Misha ang pinaka-mayayaman sa campus.

Dumukwang si Misha, nakangiti. "We are dead serious," she said. "C'mon, join us."

PINANGILIRAN ng luha ang mga mat ani Alondra habang nakatingin sa salamin. Si Misha ang nagsimula ng lahat. Kung hindi siya nito niyaya sa mesa ng mga ito, hindi siguro nangyari ang lahat. Now she had to pay.

Pinunasan niya ang mga luha na naglandas sa pisngi niya. Sinipat uli niya ang sarili niya sa salamin. Ipinusod niya ang buhok niya, nilagyan ng lipstick ang mga labi. Konting blush on lang ang inilagay niya sa magkabilang pisngi. Alam niya na hindi makapal magmake-up ang mga estudyante.

Isinuot niya ang ipinatahi niyang uniform ng university na pinagtatrabahuhan ng boyfriend ni Misha. Blouse, pencil-cut ba palda na kulay itim. She wore flats. May shoulder bag siya sa balikat niya. May salamin sa mga mata.

Nilingon ni Alondra si Marius. "Mukha pa ba akong estudyante?" she asked.

Nakatitig sa kanya si Marius. Ang pagtitig nito ay naglakbay sa kanyang mukha, pababa sa kanyang katawan. Napansin niya kung paano tumagal ang pagtitig ng assistant niya sa dibdib niya. Umangat ang kamay nito at pinunasan ang pawis.

Marius is an attractive, hot man. He was tall, built like a basketball player. Makapal at alun-alon ang dark brown na buhok nito. Makapal din ang kilay na parang natural ang pagkaka-arko. His eyes were light brown, the lashes that framed them where thick. It seemed as if he had eyes of an angel. Malapad ang dibdib nito, flat ang tiyan, mahahaba ang mga hita. She saw him wearing boxers once, minsang dinaanan niya ito sa apartment nito. He was wearing a Lightning McQueen boxers, very childish. But the bulge on it wasn't child-like at all.

"Marius?" untag niya rito.

Napansin niya na umangat ang adam's apple nito bago sumagot. "I think you look like a fucking jailbait."

Napangiti si Alondra. Lumapit kay Marius at hinaplos ang mukha nito. Napansin niyang napahugot ito ng malalim na hininga. The reaction of men towards her presence was arousing, to be honest.

"Saan nga siya madalas tumambay?"

"Avenue mall," sagot ni Marius. "Dumadaan siya sa isang used bookstore doon kapag pay day. Bumibili siya ng mga libro na ginagamit niya as a professor at mga libro na dino-donate niya sa mga school na binibisita niya. Kilala na siya ng mga sales clerk ng used bookstore."

"And he goes there around..."

"Around seven PM to eight PM. Wala raw mintis iyon."

Ngumisi si Alondra. Tinapik-tapik ang pisngi ni Marius. "Good," she said. "Magkalkal pa kayo ng mga bagay na tungkol kay Kenneth Gatmaytan. Lahat ng makakatulong sa 'tin."

Ganti (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon