RECAP: MAY BAGO NG GAGANTIHAN SI ALONDRA...
"Bitiwan n'yo ko... ayaw ko... ayaw ko parang-awa n'yo na... parang-awa n'yo na, pakawalan n'yo 'ko..." iyak nang iyak si Alondra habang idinidiin siya sa kama ng lalaking kainuman nila nina Alexandra kanina. Kinakagat-kagat nito ang leeg niya at panay ang pagpupumiglas niya.
"Maawa kayo, ayaw ko... ayaw ko..."
Umangat ang lasing na lalaki mula sa paghalik sa leeg niya at sinapak siya sa bibig. Naramdaman niya kung paano nasira ang mga ngipin niya sa harap. Sunod ay nalalasahan na niya ang sarili niyang dugo.
"Manahimik na nga, baboy!"
Idinura ni Alondra ang dugong naipon sa bibig niya, may sumamang dalawang ngipin. Lalong umagos ang mga luha sa mukha ni Alondra. Lalo siyang nagpumiglas.
"Putang-ina n'yo! Putang-ina n'yo pakawalan n'yo ko!"
Bigla siyang sinakal ng lalaking nakapatong sa kanya. Idiniin ang leeg niya sa kama, daan para hindi siya makapagsalita. Hindi rin siya halos makahinga. Namilog ang mga mata niya, nakatingin sa madilaw at maliwanag na ilaw sa ibabaw niya.
Mamatay na ba siya? It could not be worse right? Wala nang mas ilala ang nangyayari sa kanya.
She was wrong.
"Pare tulungan n'yo ko sa balyenang 'to!"
Tatawa-tawang lumapit sa lalaki ang mga tropa nito...
________
DAGLING pinunasan ni Alondra ang mga luhang mabilis na dumaloy sa mga luha niya. Nasa opisina siya, nakatingin sa mukha ni Alexandra sa class picture. May nakaipit na sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya. Hinithit niya iyon at kasabay ng pagbuga niya ang tunog ng mga katok sa pinto.
"Bukas 'yan," sabi niya. Pinihit niya ang swivel chair niya paharap sa pinto.
Bumukas ang pinto at nakita niya si Marius. Nakangiti ito habang may hawak na folder.
Alondra smiled. Muli uling humithit ng sigarilyo at ibinuga ang usok. She was clouded with smoke by now.
Ngising-ngisi si Marius habang naglalakad palapit sa kanya.
"So?" sabi ni Alondra.
"Dalawang linggong minanmanan ng mga tauhan natin si Alexandra," sabi ni Marius. Naghila ito ng silya at umupo sa tapat niya. Iniabot nito ang folder sa kanya.
Idiniin ni Alondra ang sigarilyo sa ashtray, at kinuha kay Marius ang folder. Dinampot niya sa mesa ang salamin niya, isinuot.
"Alexandra Lastimoza. Nakatira siya sa Maynila, sa slums."
Ibang-iba na ang hitsura ni Alexandra. Dati, kahit boyish ito ay halatang mayaman dahil makinis ang kutis. Ang litrato ay kinuhanan sa tapat ng isang maliit na bahay. Naglalaba si Alexandra. Bakas sa mukha nito ang hirap. Payat na payat ito, mukhang patay ang nakataling buhok. Walang kakulay-kulay ang mukha nito, maputla. She looked like a ghost.
Binuklat uli ni Alondra ang mga papel sa loob ng folder.
Litrato naman ng isang lalaki ang nakita niya. Sa tapat iyon ng isang bangko. Matangkad ang lalaki, hindi gaanong kalaki ang katawan. Moreno. Kahanga-hanga ang panga, parang sa isang modelo. Sa malayo kinuhanan ang litrato, pero kitang-kita na matangos ang ilong ng lalaki. Nakasuot ang lalaki ng uniporme ng security guard.
"Jonathan Carreon," sabi ni Marius. "'Yan ang asawa ni Alondra. Limang taon na silang nagsasama. May isa na silang anak."
Sa sunod na pagbuklat ni Alondra ay nakita niya si Alexandra na kalong ang anak nito habang bumibili sa isang tindahan. Babae ang bata at siguro ay dalawang taong gulang.

BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
RomanceAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...