Ang Pagganti Kay Bessie Dimaguila Part 5 (SPG)

9.2K 84 24
                                    

SINAMAHAN ni Alondra si Junior sa bahay ng mga ito at nais niyang maawa sa lalaki. Maliit lang ang bahay, isang palapag lang. Isa lang ang silid, doon natutulog si Junior. Ang lola nito ay sa katre sa may sala. Walang TV sa bahay, radyo lang ang libangan ng maglola. Butas-butas na ang bubong, tagpi-tagping lawanit lang ang pader sa likod. Hindi pa sementado ang sahig.

Kumuha si Junior ng bag at naglagay doon ng mga damit ng lola nito na nakatago sa maliit na aparador sa tabi ng katre. Doon lumapit si Alondra dito, tinapik ito sa balikat. "Maligo ka muna. Para ma-relax ka."

"Okay lang ako--"

"Ako na'ng bahala," sabi ni Alondra.

Tumango si Junior. Ngumiti sa kanya. "Salamat."

Kumuha ito ng tuwalya sa aparador, isinabit sa balikat. Tinanaw niya itong pumasok sa silid nito, para siguro kumuha ng damit. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito ng banyo.

Sinimulan ni Alondra na magtupi ng damit ng lola ni Junior at ilagay sa bag. Sa isip niya ay nagpa-plano siya. Isa lang ang susi para pabagsakin si Bessie. Si Junior mismo. Kailangang makuha niya ang loob nito, kailangang magtiwala ito sa kanya.

At nagtatagumpay naman siya, sa tingin niya.

Labinglimang minuto na siguro siyang nagtutupi ng damit nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang palapit si Junior sa kanya. Nakasabit ang tuwalya sa balikat, walang pang-itaas, boxers lang ang suot.

Natigilan si Alondra. Hindi mapigilan ang sariling titigan ang katawan ng lalaki. Nagtitigan silang dalawa. To Alondra, it was obvious that they both want each other.

Lumapit ito, umupo sa katre. Amoy sabon ito, amoy Head and Shoulders din na shampoo. Mas umaliwalas ang mukha nito.

"Sorry sa abala," sabi nito, walang libog sa mga mata, hiya lang.

Well, Alondra will make sure there will be lust in those eyes in no time.

"Well, I just like to be a guardian angel," sabi niya. "May langis ba kayo?"

"Bakit?" he asked.

"Basta," sagot niya.

Iniangat ni Junior ang kumot at may langis doon, langis ng lola nito.

"Deserve mo ng masahe," sabi ni Alondra.

"Nakakahiya--"

"Sshhh," sabi niya, inilapat ang daliri sa labi nito. "'Wag mong sirain ang diskarte ng guardian angel."

Napailing na lang habang nangingiti si Junior. He was so naive. How can he think she was doing this because she was nice?

Naglagay si Alondra ng langis sa kamay, pinagkiskis ang mga iyon para uminit ang kamay niya bago pumuwesto sa likod ni Junior. Hinagod niya ang laman sa balikat nito at sa batok.

"Unggg..." Napaungol si Junior. He threw his head back, nakapikit, may ngiti sa mga labi. "Ang sarap, ah."

"Sarap pa?" sabi ni Alondra, sinadyang gawing mahangin ang tinig. "Sinimulan niyang hagurin ang likod nito, pababa sa may ibaba ng puwit.

"Oo..." sabi ni Junior.

"Mas okay kapag nakadapa ka, eh," sabi ni Alondra.

Hawak na niya sa leeg ang lalaki. Hindi pa man niya inuutos ay dumapa na ito sa katre.

Napangiti si Alondra, sumakay sa may puwitan nito.

Natawa si Junior. "Sumakay ka pa talaga, ha?"

Ganti (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon