Ang Pagbagsak ni Alexandra Lastimoza Part 2 (DISTURBING CONTENT)

7K 94 23
                                    


RECAP, PLEASE READ: NALAMAN NG ASAWA NI ALEXANDRA NA NABUNTIS ITO NI JOSAPATH. NAGLABAS ITO NG BARIL AT BALAK SAKTAN SI ALEXANDRA. NALAMAN ITO NI ALONDRA AT HUMINGI NG TULONG KAY MARIUS PARA MAKAPAGPADALA NG PULIS. ANO ANG KAHAHANTUNGAN NILA?


TULALANG lumuluha si Alondra sa loob ng van ni Charlotte. Nasa isang bukid sila bandang Tarlac. Doon ipinarada ang sasakyan nila at naglakad sila patungo sa kubo ng hilot.

Hindi tumagal ng isang oras ang proseso ng pagpapalaglag pero hindi iyon maalis sa isip ni Alondra.

May pinainom sa kanyang gamot ang hilot. Tapos ay pinahiga siya nito sa papag na nasapinan ng mapanghing kumot. Nakatingala lang si Alondra sa kulay kahel na ilaw habang nararamdaman ang magaspang na kamay ng hilot sa kanyang tiyan. Dinidiinan nito ang tiyan niya at puson, itinutulak paibaba. Naramdaman niyang parang may tumatagas na likido sa pagkababae niya.

Sa sulok ng kubo ay naroon sina Bessie, Misha, Alexandra at Charlotte. Naninigarilyo ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Para silang napapalibutan ng usok, para silang panaginip.

Masakit ang hagod ng kamay ng hilot sa katawan ni Alondra. Hindi magawa ni Alondra na tingnan ang hilot. Kanina ay sinulyapan niya ito at nakita niyang patay ang mga mata nito, walang emosyon. Sanay na ito sa ginagawa nito. Ilang babae na kaya ang humiga sa kumot na iyon, ilang dugo ang pumatak at nagmarka?

Ilang sandali pa ay tapos na ang proseso.

"Hindi ka na buntis," sabi ng hilot. Pinunasan ng likod ng kamay ang nagpapawis na noo. Nagkaroon ng linya ng dugo doon. "Duduguin ka pa, pero mawawala 'yan. Ang mahalaga wala na ang bata."

Hindi alam ni Alondra ang isasagot. Salamat? Hindi niya magawang sabihin. Kaya tahimik na lang siyang lumuha.

At ngayon, eto sila sa van. Pare-pareho silang nagulat at natulala sa mga nangyari. Naninigarilyo ang apat, ibinubuga ang usok palabas sa nakababang mga bintana. Nakasandal sa mga upuan at natitigilan. Ganoon din si Alondra. Si Alexandra ang nasa tabi niya.

"At least wala na," si Charlotte ang bumasag ng katahimikan. Sa barkada ay ito at si Misha ang hindi kasama sa nagpahamak sa kanya sa party. "You can live your life. Makakapagpatuloy ka sa pag-aaral ng walang ibang obligasyon."

Nagtanguan ang magkakaibigan. Hindi nakasagot si Alondra. Pumapatak pa rin ang kanyang mga luha.

"Hindi mali ang desisyon mo," sabi ni Misha. Humithit ito ng sigarilyo at nagbuga ng usok. "Katawan mo 'yan. Malaya ka kung ano man ang gusto mong gawin diyan."

Sina Alexandra at Bessie na nagsama sa kanya sa party ay walang naisagot.
"Kung nasa kalagayan mo 'ko, gano'n din ginawa ko," sabi pa ni Charlotte.

Pumikit na lang si Alondra. Dahil anomang sabihin ng mga ito ay hindi mawawala ang nakadagan sa dibdib niya. Ang ginawa niya ay para sa kanyang sarili--nabunutan siya ng tinik sa lalamunan pero nagkaroon siya ng peklat sa dibdib, nagkaroon siya ng mabigat na dalahin na nasa puso niya habangbuhay.

Abortion changed Alondra. But for that moment, for that single gloomy moment, she thought everything would be okay.

Until tomorrow came. And she was bleeding so much she thought she was dying.

Ganti (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon