RECAP: Sana binasa nyo lahat ng chapters at wala kayo ini-skip. Pineke ni Alondra ang pills ni Alexandra. Inakit niya ang bayaw ni Alexandra, at binitin ito para ibunton ng bayaw ang pagnanasa kay Alexandra. Ano kaya ang kahahantungan ng planong ito?
"KAILANGAN n'yo akong tulungan. Kung hindi dahil sa inyo, hindi 'to mangyayari. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako mabubuntis," mariing sabi ni Alondra kay Alexandra.
Nakasabay niya ito sa CR ng araw na iyon--well it can be safely said na sinundan niya ang babae sa CR nang makita niyang patungo ito doon. Nang masiguro niyang walang ibang tao sa CR ay isinara niya ang pinto at ini-lock.
"I'm sorry, Alondra," sabi ni Alexandra. Hindi ito mukhang nakokonsensiya. In fact, it looked as if she was secretly enjoying seeing her like that.
"You have to help me. This will destroy my mother. Hindi pa ako nakakapagtapos. I can't be pregnant..."
Umiling si Alexandra. "Hindi ko alam kung paano ka tutulungan."
"You need to! You have to!" sabi niya, tumaas ang tinig. "Kung hindi n'yo ko sinama sa party na 'yon, hindi ako nagkaganito."
Lumabas na ang tunay na emosyon ni Alexandra. Inismiran siya nito. "Kusa kang sumama, gaga!"
"I screamed for your names, Alexandra. Isinigaw ko ang mga pangalan n'yo. I screamed and screamed and screamed and don't tell me you didn't hear. Don't tell me you didn't--"
"I didn't," sabi ni Alexandra. "We didn't hear your screams. I am so deeply sorry, pero that is your proble---" Napatili ito nang bigla niya itong hawakan sa leeg at itulak. Tumama ang likod nito sa bakal na vending machine ng tissue at napkin. Napakalakas ng tunog ng paghampas ng likod nito na napapikit ito sa sakit. Akmang sisigaw ito pero idiniin niya itong lalo doon, pinisil ang makitid nitong leeg.
"You heard me scream, bitch," sabi ni Alondra, nag-iinit na ang nanlilisik na mga mata. "You heard me scream. I knew you heard me."
Nanlalaki na ang butas ng ilong ni Alexandra. Pilit nitong idiniin ang kuko sa kamay niyang nakakapit sa leeg nito. May manipis na linya ng dugong dumaloy sa kamay niya. Ramdan na ramdam niyang bumaon ang kuko nito sa laman niya. May luhang naglandas sa pisngi nito.
"You will help me, Alexandra. You have to help me solve this problem. Do you understand?" may diin bawat pangungusap na sabi ni Alondra.
Tumango-tango si Alexandra. Binitiwan niya ang leeg nito. Umiyak ito, umungol pero kapos sa hininga, wala halos tunog na lumabas mula sa lalamunan at bibig. Napaluhod ito sa sahig at doon umiyak. Tinitigan lang ni Alondra ang babae, hindi nakaramdam ng awa dito. Pero tuloy-tuloy ang kanyang pagluha. Para sa sarili at para sa buhay na nagsisimula pa lang sumibol sa sinapupunan niya.
That same night, nakipagkita si Alondra sa magkakaibigan. Si Alexandra ang nakaisip ng solusyon sa problema niya at sasamahan siya ng apat na maisagawa iyon.
She would have to have an abortion.
___
"GAANO ka katagal na mawawala?" tanong ni Alexandra sa asawa niyang si Jonathan isang madaling araw. Kasalukuyan siyang nagtutupi ng damit nito at ipinapasok iyon sa isang malaking bag. Nagpaalam itong sasali sa mga katrabaho nito na mag-unwind sa Mountain Province.
"Three days, two nights," sabi ni Jonathan, inaayos ang buhok nito sa salamin. Nang makuntento ay nilingon siya nito. "Sigurado kang okay lang sa 'yo?"

BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
Storie d'amoreAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...