HELLO, SALAMAT SA READERS NG GANTI. PLEASE KEEP ON VOTING AND COMMENTING KASI NAI-INSPIRE AKO. SALAMAT <3 <3
MITING DE AVANCE
ANG MITING de avance ang huling gabi ng pangangampanya. Gaganapin iyon sa isang bulwagan sa isang hotel malapit sa munisipyo. Makakadalo doon ang lahat ng supporters ng partido ni Bessie. Open iyon to the public. Iyon ang dahilan kaya nakapasok sina Alondra at Marius sa mismong event.
Nakadisguise silang pareho. May makeup si Alondra na nagmukhang maitim ang mukha niya at mayroong mga butlig. Nagshades siya at nagsuot ng baduy na damit. Umaasa siyang hindi siya makikilala kahit ni Junior.
Marami ng tao sa paligid. Pinanood ni Alondra ang mga iyon habang nagdadaldalan kung sino ang iboboto ng mga iyon. Tinanaw ni Alondra ang makeshift stage. May mga silya doon na uupuan ng tumatakbong konsehal at mayor. Sa tabi ng stage ay may malaking screen. Nakaproject doon ang mga pangalan ng mga kandidato sa partido.
"Ano'ng flow ng event?" bulong ni Alondra kay Marius. Nagpatubo ito ng facial hair, nag-shades at nag-cap para di makilala ni Junior
"Magsasalita isa-isa ang mga tumatakbong konsehal," sagot ni Marius. "Bibigyan sila ng sampung minuto para ipresent ang mga plataporma nila. They also prepared their own video presentation. Nagbigay na kanina si Bessie ng flash drive na may video ng plataporma niya"
Ngumiti si Alondra. "Did you do what I said?"
"Yes," sabi ni Marius, tapos ay nag-abot sa kanya ng isang nakalaminate na papel na may nakasulat na STAFF. Ginaya ni Marius ang layout ng mga ID ng mga ushers sa event. Nalaman nito ang layout dahil nabayaran na nila ang mga gumawa ng ID.
Isinuot ni Alondra ang staff ID. Bumaling siya kay Marius. "Thank you," she said.
Kumindat si Marius. "Good luck."
Ngumiti si Alondra. Pumihit at naglakad patungo sa staff na nag-o-operate ng computer at ng projector. Sa mesa niya ay may isang plastic na lalagyan ng flash drives na binigay ng mga kandidato. Bawat flash drive ay may nakadikit na papel na may nakasulat na pangalan ng mga kandidato.
"Hello, good evening," sabi ni Alondra, trying to sound so professional.
Tumingala ang staff na abala sa pagkutinting sa computer. "Yes?" sabi nito sa iritadong tinig.
"Staff ako ni Councilor Dimaguila," sabi ni Alondra, ipinakita ang pekeng ID. "Unfortunately, there's a mix-up. I am so sorry. Mali 'yong naibigay naming flash drive. Pero dala ko na 'yong totoong flash drive niya. Pasensiya ka na talaga."
Napailing ang staff, halatang hindi natuwa. Hinanap nito sa lalagyan ang flash drive na ibinigay ng mga alipores ni Bessie. Nang makuha nito iyon ay iniabot nito iyon kay Alondra. Iniabot niya naman dito ang flash drive niya.
"Isa na lang ang video diyan, wala ng ibang file diyan," sabi ni Alondra. "Iplay mo na lang kapag magsasalita na si councilor."
"Alam ko, alam ko," may gigil na sabi ng staff na halatang stress na.
"Thanks," pa-sweet na sabi ni Alondra saka tumalikod. Lalong tumamis ang ngiti niya habang pabalik kay Marius.
"Done," she said. "It's so fucking easy."
Marius grinned.
"Nakita mo na si Junior?"
"Yes," sabi ni Marius, sinamahan ng tango. Tapos ay tumuro sa gawing kaliwa.
Naroon nga si Marius, nagsuot ng tuxedo. Binigyan ko siya ng pera para makarenta ng tuxedo, dahil sinabi niya na gusto niyang magmukhang presentable sa harap ng mga constituents ni Bessie pati na ng mga ka-municipality nila. Palakad-lakad si Junior, hawak ang papel na may script na isinulat din ni Alondra. Halatang kinakabisa iyon ni Junior.
![](https://img.wattpad.com/cover/186325885-288-k687206.jpg)
BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
RomanceAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...