HINDI mapakali si Misha. Sumama man sa kanya si Kenneth sa Cagayan, pakiramdam niya ay mag-isa pa rin siya. He was driving the van and he was silent. Nang tanungin niya ito kung bakit hindi ito nagsasalita, sinabi nito na masama ang pakiramdam nito.
"Gusto mo ba ako na lang ang magdrive?"
Ngumiti lang si Kenneth. "Kaya ko."
Hindi na nagsalita si Misha. Nakakuyom na lang ang mga kamao niya sa ibabaw ng kandungan niya. It was a long, sad ride.
Nang makarating sila sa Cagayan ay nagpahinga sila. Natulog. Nagising sila ng alas-kuwatro ng hapon.
"Mag-ayos ka na, pupunta na tayo sa school," sabi ni Misha kay Kenneth. Nasa isang silid sila, sinusuklay niya ang buhok niya. Nakahiga si Kenneth sa kama. "Naroon na ang press."
Isa sa gusto niya kapag nagdo-donate siya ng mga libro sa mga mahihirap na paaralan ay ang atensyon. Gusto niya na maraming journalist ang magsulat tungkol sa mga sakripisyo niya sa kabataan. Para bang nabubura niyon lahat ng kasamaan na nagawa niya noong bata pa siya.
Hindi kumilos si Kenneth. Nilingon niya ito. "Babe?" sabi niya.
Tumitig si Kenneth kay Misha. Pinilit nitong ngumiti. "Kikilos na."
Tapos ay tumayo ito at nagtungo sa banyo. Naiwan siyang nakatanaw dito.
KENNETH couldn't forget the dirty times he had with Clarisse
Alam niyang mali pero kapag pumipikit siya, nakikita pa rin niya kung paano tumatalbog ang suso ni Clarisse kapag umuulos siya sa loob nito. She was so sexy and horny she made him come a lot of times. Sometimes, she could make him come even when he was with himself.
Iisipin lang niya si Clarisse at hindi na niya mapipigilan na paligayahin ang sarili. He would be guilty afterwards. Tulad ngayon. He just jerked off thinking of Clarisse, samantalang nasa labas lang ang girlfriend niya.
Maybe... maybe he no longer deserved Misha. Maybe they should spend some time apart.
MARAMI ng tao sa paaralan kung saan ido-donate ni Misha ang mga librong nabili niya sa Maynila.
Alas-singko na ng hapon, nakauwi na ang mga bata. Pero may mga piling mag-aaral na sinabihan ng guro na mag-stay para sa picture taking. Sa school stage, naroon ang kahon-kahong mga libro at school supplies na ibibigay nila sa mga mag-aaral. May isang guro rin na naroon na may hawak na mic at nagsasalita.
"We are honored to announce that a compassionate woman is here in our province. And her warm heart wants to give us tools for learning. Ladies and gentlemen, let's give a round of applause for Miss Misha Montero."
Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa paligid, karamihan ay mga guro at ilang mga magulang. Ngumiti si Misha kay Kenneth, pinisil ang kamay nitong hawak niya. Tumango si Kenneth at ngumiti sa kanya.
Tuwang-tuwa si Misha na pakinggan ang pagpalakpak ng lahat sa kanya. Nakalimutan niya pansamantala ang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Umakyat siya ng stage at ninamnam ang pakiramdam na mapalakpakan. Nang tumigil ang lahat sa pagpalakpak, kinuha niya ang mic mula sa gurong nagpakilala sa kanya at saka siya nagsalita.
"Importante ang edukasyon," sabi niya. "Isa 'tong bagay na hindi mananakaw. Kaya hindi ito dapat ipagkait sa 'ting mga kabataan."
Muling nagpalakpakan ang lahat. Ngumiti si Misha, ipinagpatuloy ang pagdeliver ng ihinanda niyang speech. Tuwang-tuwa ang mga guro sa kanya. Ang mga journalist sa probinsiyang iyon ay panay ang kuha sa kanya ng litrato.
"Now, maliit man ang regalo kong 'to sa inyo, alam ko na makakatulong ito sa inyong mga kabataan," sabi niya. "Magbibigay ako ng mga libro at school supplies na mailalagay n'yo sa inyong silid-aklatan."
BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
RomanceAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...