"INUMIN mo, o. Pampa-relax."
Inabot sa kanya ni Josapath ang Tanduay Ice. Kinuha niya iyon at nagpasalamat.
Nasa dressing room sila. Maliit lang na silid na may mga salamin at make-up table. Walang ibang tao, nakaramdam yata ang mga kabanda nito. Sila lang dalawa doon.
Umupo ito sa tapat niya. "Ano'ng pangalan mo?"
"Christina," sabi ni Alondra. "Ikaw?"
"Josapath," sabi nito. "Pero ayaw kong matawag sa buo kong pangalan, ang pangit."
She tilted her head to one side, trying to look thoughtful. "Hindi naman pangit, ah."
He made a face.
"So, ano na lang ang itatawag ko sa 'yo?" sabi ni Alondra, ngumiti. "Baby?"
Natawa si Josapath. Chinito pala ito. Kapag tumatawa ay lalong naniningkit ang mga mata. May kamukha itong bida sa KDrama, di lang niya maalala kung sino.
"Pat," he answered.
"Thank you, Pat, sa pagligtas sa 'kin," sabi ni Alondra. "Buti nakita mo iyong ginagawa sa 'kin."
"Well..." Napakamot ito ng ulo, tumingin sa sapatos nito. "Nakita ko kasi... mahirap naman na hindi ka pansinin."
Tumungga si Alondra ng alak bago sumagot. "Nagpapansin din naman kasi ako."
Nag-angat si Josapath ng tingin. Ngumiti din ito.
"Mahirap din kasing hindi magpapansin sa 'yo," sabi pa ni Alondra.
Umiling-iling na si Josapath. "Binobola mo na 'ko," sabi nito. Ang tinig nito ay lumalim na.
"Hindi ah," sagot niya.
"So..." nag-aalangang sabi ng lalaki. Nagdadalawang-isip bitiwan ang tanong. Ito na ang kilos ng lalaking nahawakan na niya sa leeg, tuluyan na niyang naakit. "You want to hang out sometime?"
Ngumiti si Alondra. "I would love to," sabi niya. Tapos ay dumukwang siya at ibinulong na lang ang mga kasunod na salita. "Para maiparamdam ko sa 'yo kung gaano ako ka-grateful na iniligtas mo 'ko."
Walang sinabi si Josapath, ngumiti lang. Kaya si Alondra na ang gumawa ng hakbang. Mula sa purse niya ay kumuha siya ng ball pen. Hinawakan ang kamay nito at nagsimulang magsulat doon ng number niya. Siyempre, bagong number na iyon. Hindi na iyon ang ibinigay niya kay Kenneth o kay Junior. Nang matapos niyang isulat ang mga numero ay nag-drawing siya ng mga puso sa paligid niyon. Tapos ay mapaglarong pinisil niya ang kamay ng lalaki.
"Call me," she said.
Then, she winked at him again.
Namula ang magkabilang pisngi ni Josapath. "Sige," he said. As if word would fail to express how overwhelmed he was then.
NAG-INSIST si Josapath na sasamahan siya nito hanggang sa makapunta sa kotse niya, pero pinigilan niya ito.
Sinabi niyang okay na siya at hindi na nito kailangang mag-alala. Naging makulit ito pero naging makulit din siya. Ayaw niyang makita nito ang kotse niya bilang pag-iingat. Sinabi niya na wala na naman siguro ang matandang lalaki. Hindi na ito nagpumilit.
Habang patungo sa malaking parking lot ng bar ay natanaw na niya agad ang matanda. Nagkunwari siyang hindi ito napansin, nagmamadaling naglakad patungo sa kotse niya. Sa pinaka-dulo ang kotse niya, sa ilalim ng isang puno.
Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang naglalakad na rin ang matanda sa direksyon kung saan siya patungo. Huminga ng malalim si Alondra, ihinanda ang sarili.
BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
RomanceAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...
