Ang Pagganti Kay Alexandra Lastimoza Part 5 (SPG)

6.7K 64 3
                                    

"NEVER have I ever... made out with a relative," sabi ni Josapath.

Kumakain uli sila sa restaurant sa Pasig na una nilang pinuntahan. Lunch iyon, kaya solo nila ang lugar. Walang ibang tao sa ibang kubo. Walang maingay. Walang pagala-galang staff. Maaliwalas ang hangin at naririnig lang ang mahinang paglagaslas ng tubig sa man-made falls.

Si Alondra ang nag-imbita sa lalaki. Kailangan masiguro niyang may mangyayari dito at kay Alexandra. Kaya bumuo siya ng plano.

Bahagi ng planong iyon na pagkatapos kumain ay naglaro sila muli ng Never Have I Ever.

"Kadiri ka," sabi ni Alondra, natatawa. "Bakit ako makakapaghalikan sa kamag-anak?"

"When it's taboo... it's hot," sabi ni Josapath na pilyo ang ngiti.

"Ang dami daming lalaki sa mundo na puwedeng halikan, 'no," sabi ni Alondra. Tapos ay mapang-akit na tinitigan si Josapath.

Josapath wasn't as dashing and as hot as Marius but he was not bad. He had this artistic, optimistic charm on him. It looked as if he was filled with wonder. He looked at her with dreamy brown eyes. Like all he wanted was to spend time with her. As an artist, he would never his cute, boyish charm. Kapag ngumingiti siya ay lumalabas ang dimple niya sa magkabilang pisngi, at lalo siyang gumuguwapo. He wasn't even dressed well.

He wore a black t-shirt with a picture of an unknown band. Then loose jeans. And sneakers. He smelled good. He smelled like apples and wonder and unrealized greatness.

"So, hindi ka makikipag-make out sa hot na pinsan o..."

"No!" sabi ni Alondra. "Sabi ko nga, marami akong pwedeng halikan."

"Puwede ako?" sabi ni Josapath. Ngumiti uli, sinasadyang ipakita ang dimple.

"Puwede," sabi ni Alondra. Tumingin sa mga labi ni Josapath.

Bumalik sa alaala niya ang mga labi ni Marius. And how it curled when she say something that amused him. She wanted to kiss the edges of his smile.

Alondra slightly shook her head. Kailangan niyang mag-concentrate sa kasama niya.

"So," sabi ni Alondra. "Tuloy natin ang game."

Tumango si Josapath.

"Never have I ever... had sex in public?"

Nagtaas si Alondra ng kamay. Hindi naman nagtaas ng kamay si Josapath.

"Whoa..." sabi ni Josapath, namilog ang mga mata. "You mean? How?"

"Teenager pa lang ako no'n," sabi ni Alondra. "Kasali sa liga ang boyfriend ko. Nagpunta ako sa court kasi, alam mo na, moral support. Nagcheer ako sa kanya. Nanalo ang grupo nila. To congratulate him, dinala ko siya sa bukid malapit sa court. Matataas ang talahib doon..."

"Whoa..." sabi na naman ni Josapath. "And what did you do?"

Bahagyang kinagat ni Alondra ang pang-ibabang labi na parang nahihiya. Nagbaba ng tingin sa mga paa tapos ay nag-angat din para salubungin ang titig ni Josapath.

"I gave my boyfriend a handjob," sabi ni Alondra.

"Whoa..." sabi ni Josapath. "Christina..."

Tumitig na ito sa kanya na para bang kakaiba siya sa lahat ng babaeng nakilala nito.

"I know, I'm such a slut," sabi ni Alondra.

Tapos ay ipinatong niya ang kamay sa kamay ni Josapath na nakapatong naman sa mesa. Soon, she was tracing the outline of his hand and his veins. Doon lang niya tinututok ang atensyon niya, kagat-kagat pa rin ang labi niya na parang nahihiya. Nang muli niyang tingnan sa mga mata si Josapath, nakita niyang namumungay na ang mga iyon. Para ding napapadalas na ang paghugot nito ng hininga.

Ganti (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon