Ang Pagganti kay Misha Montero Part 3 (Medyo SPG)

11.2K 89 2
                                    


"Shot ka pa," sabi ni Misha kay Alondra. Nasa silid sila sa bahay nito, kasama nila ang mga kaibigan nito. Inabutan siya nito ng isang shot glass na puno ng alak.

"'Wag na, hindi naman talaga ako umiinom," sabi niya, nakataas ang mga kamay. "Nahihilo na ako."

"Shot ka na," giit ni Misha. "Ang arte mo naman, eh."

"Baka hindi na niya kaya," sabi ni Kokoy. Si Kokoy na boyfriend ni Charlotte. Nakalingkis dito si Charlotte, pero sa kanya nakatingin ang mga mata nito na tila nag-aalala. Nakaupo ang mga ito sa loveseat sa sulok ng silid. "Misha, 'wag mo na siyang bigyan."

Napayuko si Alondra, hindi kayang tagalan ang pagtitig sa guwapong mukha ni Kokoy.

"No, it's my birthday," sabi ni Misha. "Ako ang masusunod." Ipinilit nitong kunin niya ang baso. "Shot. Now."

Napalunok si Alondra. Bumuntong-hininga, bago kunin ang baso. Ayaw naman niyang magalit sa kanya ang mga taong kumakaibigan sa kanya sa school. Tinungga niya ang alak pikit mata. Napaubo siya pagkatapos. Tawa nang tawa si Misha. "O, di ba masarap?" At binigyan pa siya nito nang binigyan ng alak.

Pagkatapos niyon ay malabo na ang mga sumunod niyang alaala. Pero malinaw sa isip niya na pinasasayaw siya ni Misha habang pinagtatawanan nito.

"Sayaw pa, Alondra. Sayaw pa..." Kasunod niyon ay halakhak. May hawak si Misha sa kamay nito. Camera. "Sayaw pa... Giling mo lang!"

"Giling lang, Alondra!" sabi ni Bessie, isa sa mga kaibigan nito.

"'Yong giling ng puta!" sabi ni Alexandra, isa pang kaibigan.

"Misha, tama na 'yan!" narinig niyang sigaw ni Kokoy, hinawakan sa braso si Misha.

"'Wag ka ngang killjoy. Can't you see? Gusto niyang sumayaw," sabi ni Misha, itunuro ako. "Go ahead, go ahead, Alondra. Keep on dancing..."

Sa pagkakaalam ni Alondra ay nagpatuloy siya sa pagsayaw. Nagpatuloy ang halakhakan ng mga babae sa paligid niya. Napapahalakhak din siya. Akala niya, they were laughing with her. Kinabukasan, nang may kumalat na ang video ng pagsayaw at pagwawala niya, doon niya na-realize na they were laughing at her...

HALOS dumugo ang labi ni Alondra sa diin ng pagkakakagat niya roon. The memory made her sick with rage. Humugot siya nang malalim na hininga, bago tinawagan si Marius.

"Update?"

"Tama ka. Magva-van sina Misha papunta sa Cagayan para magdonate," sabi ni Marius. "Iyong donations nila, dinadala ng truck. Kahon-kahong libro at school supply. Kadalasan, may press pa kapag binuksan ang mga kahon ng libro para idonate sa mga bata at teacher."

"Good," sabi ni Alondra. "You know what to do."

Pagkatapos niyon ay tinawag na niya ang tawag. Napangiti siya. Ngayong may plano na siya para pabagsakin si Misha, isa na lang ang kailangan niyang gawin.

Break her cold heart.

Hinanap niya sa phonebook niya ang number ni Kenneth. Tinawagan niya ito. He answered on the third ring.

"Hello?" ang sagot nito ay parang alangan.

"Hello," sabi niya. Nagpalakad-lakad siya sa verandah ng bahay niya. "Sir, nakakahiya mang magrequest..." Patlang. Gusto niyang isipin nito na nahihiya talaga siya. "Meron akong problem sa reflection paper namin kay Sir Simon. Gusto ko sana ng consultant. Puwede ka ba?"

Parang naghesitate si Kenneth sa kabilang linya.

"Puwede ba kitang puntahan sa makalawa? Libre ako ng 8:00 PM." Nahack na ni Marius ang system at computers ng university. Alam na niya na iyon ang free time ni Kenneth. "Please?" Pinalambing niya ang tinig.

Ganti (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon