GANTI is back!
Recap lang: Gustong maghiganti ni Alondra sa mga babaeng umapi sa kanya noong college. Iniisa-isa niya ang mga ito. Ang paghihigantihan naman niya ngayon ay si Bessie. Magtagumpay kaya siya?
Nakatitig si Alondra sa salamin sa CR ng school, hinawakan ang patay niyang buhok at ang maputla niyang pisngi. It was depressing.
Pumasok sa CR si Bessie. Mag-isa. She gave her one look and laughed. "Iiyak ka na dahil sa nakikita moiyan?"
Tumabi ito sa kanya. Ipinatong ang purse nito sa lababo. Binuksan iyon, kumuha ng tube ng lipstick. Binuksan. Pinintahan ng pula ang mga labi.
"You want to be pretty?" sabi ni Bessie.
Tumango si Alondra.
"It takes work, sweetheart," sabi nito. Pinapantay ang lipstick gamit ang daliri. "It causes pain. You just have to suck it up."
Hindi sumagot si Alondra. She knew beauty takes work. She hated herself for not wanting to make an effort.
"Para kanino mo gustong gumanda?"
Napapikit si Alondra. Saka sa maliit na boses, nagsabi, "Sa sarili ko."
"Bullshit, girl," sabi ni Bessie, inaayos ang alun-along buhok. "Behind an insecure woman na gustong gumanda... There's always a man." Bumaling ito sa kanya. "Kaninong cock ba ang gusto mong sakyan, ha?"
Napaatras siya. Nag-init ang pisngi dahil sa narinig.
"Oh, c'mon. Admit it. I can see the way you look at Kokoy."
Naalerto siya. "Hindi, ah--"
"Sshhh." Itinapat ni Bessie ang daliri nito sa mga labi niya. "I understand. Kokoy is handsome. Kung hindi lang siya jowa ng friend ko, sinex ko na siya."
Hindi pa rin makasagot si Alondra. Hindi rin siya makatingin kay Bessie. It seemed as if she can see through her, as if she can read her thoughts.
"Don't worry sweetie," sabi ni Bessie, inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga. "I can help you."
NAGTATAGIS ang bagang ni Alondra dahil sa mga alaala. She looked at the class picture one more time, hid it inside the drawer and looked up at Marius.
He was standing in front of her, so close that she could smell him. He smelled like fruits. How he still managed to become manly was a mystery.
Nagtitigan sila ni Marius. Ang pinaka-unang butones sa polo nito ay na-unbutton, litaw ang ibabaw ng malapad na dibdib nito. Isang kamay nito ang nasa likod, may itinatago.
"Update?"
Inilabas na ni Marius ang folder sa likod nito. Iniabot sa kanya.
"Bessie is a councilor in a small municipality for years now. Matatapos na ang term niya at tatakbo siya uli," sabi ni Marius. "She is known for her projects for women. Zumba classes and such. Madalas siyang sumama sa Zumba tuwing Sabado ng umaga. And that is where she met his boyfriend."
She flipped the first page of the papers inside the folder. Sa ikalawang page, nakita niya ang litrato ng isang lalaki. Nakangiti ang lalaki sa litrato. Maamo ang mukha. Kulot ang buhok. Guwapo. Nakasuot ito ng plain na gray t-shirt at gray ding boxers. Hindi mapigilan ni Alondra na tingnan ang maumbok na harapan ng boxers ng lalaki.
![](https://img.wattpad.com/cover/186325885-288-k687206.jpg)
BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
RomanceAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...