RECAP: SANA WALA KAYO INI-SKIP NA CHAPTERS. PINEKE NI ALONDRA ANG PILLS NI ALEXANDRA. INAKIT NIYA ANG BAYAW NI ALEXANDRA AT BINITIN PARA IBUNTON NG LALAKI ANG PAGNANASA KAY ALEXANDRA. SA NAKARAANG KABANATA, NALAMAN NA NATIN ANG NAGING RESULTA NG PLANO.
SINO ANG MAPAPAHAMAK?
___
"ALIS NA 'KO," sabi ni Jonathan kay Alexandra, habang tulala lang ang babae sa panonood dito.
Nag-aayos muli si Jonathan ng sarili sa harap ng salamin nang sabihin nito iyon. Sumulyap ito sa kanya nang magpaalam at naglakad na patungo sa pinto. Ihinatid niya ito ng tingin.
Tapos ay nagtungo din siya sa pinto, sinilip si Jonathan na naglalakad na patungo sa sakayan ng tricycle. Nang hindi na niya ito makita ay agad niyang kinatok ang pinto ng silid ni Josapath. Alam niyang wala itong gig kaya nasa kuwarto lang ito. Kanina pa siya kating-kati na sabihin dito ang problema.
Bumukas ang pinto at nakita niya si Jonathan na may namimilyong ngiti. "Nag-iinit ka na naman, ba--"
"Buntis ako."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jonathan. Bahagya itong napaatras na parang may makakasalubong na mga masamang tao. Tapos ay tumingin ito sa kanya na para bang nababaliw siya.
"Nagpi-pills ka," sabi nito, may halong pang-aakusa ang tinig. Na para bang kasalanan niya ang lahat.
"Alam ko," sabi niya, paasik. "Kaya hindi ko alam kung paano nangyari."
Naihilamos ni Alexandra ang mga palad sa mukha. Nag-iinit na ang mga mata niya dahil sa luha.
"Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Alexandra.
"Hindi ko alam," sagot ni Jonathan. Naglakad ito patungo sa kusina. Sumunod naman siya dito.
"Hindi puwedeng hindi mo alam, ikaw ang tatay nito," sabi niya.
Hindi sumagot si Jonathan, binuksan ang ref at kumuha ng pitsel ng tubig doon. Kumuha din ito ng baso, naglagay ng tubig at uminom. Ni hindi isinasara ang ref.
Hinampas niya ito sa balikat. "Josapath!"
Padabog na isinara ni Josapath ang pinto ng ref. Ibinaba ang pitsel at baso sa lababo sa tabi niya.
"Ano'ng gusto mong gawin ko?" paasik na sabi ni Jonathan.
"Kasalanan mo 'to!" sigaw ni Alexandra, itinuro ang tiyan.
"Ikaw ang may kasalanan niyan. Hindi ka nag-iingat," gigil na sabi ni Josapath. "Makikipaglandian ka sa kapatid ng asawa mo, tapos hindi ka mag-iingat."
"Putang-ina mo!" gigil na sigaw ni Alexandra. Sinapak si Josapath sa dibdib. "Putang-ina mo, wala kang kuwenta!"
Hinawakan ni Josapath ang mga kamay niyang ginagamit niya sa pananakit dito.
"Ipalaglag mo 'yan," sabi ni Josapath.
"Ipapalaglag ko talaga," gigil na sabi niya. "Samahan mo 'ko dahil ikaw ang ama nito--"
"Buntis ka?"
Sabay silang napatalon ni Josapath sa gulat sa narinig. Paglingon nila sa entrada ng kusina ay nakita nila si Jonathan. Nakasandal ito sa pader, nakatitig sa kanila. Nakangiti ito. Pero bahagyang nanlilisik ang mga mata nito.
Kaya alam nilang narinig nito ang mga sinabi nila.
Nanlamig ang buong katawan ni Alexandra. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong. Napayuko siya.
"Naiwan ko ang wallet ko..." sabi ni Jonathan. "Di ko inaasahan ang narinig ko."
Hindi kumikibo si Alexandra. Pinagdikit niya ang mga kamay niya at umusal ng panalangin.
![](https://img.wattpad.com/cover/186325885-288-k687206.jpg)
BINABASA MO ANG
Ganti (R18)
RomansAlondra Avellana is out for blood. Gagantihan niya ang apat na babaeng sumira ng buhay niya years ago. Aakitin niya ang boyfriend ng mga ito... At gumagawa pa siya ng ibang paraan para pabagsakin ang mga ito. She wanted to do two things: break thei...