Hinagod ni Eros ang kanyang buhok at pilit pinatayo gamit ang gel. Pinihit ang mukha sa kanan at napakunot noo, pinihit sa kaliwa…napabuntong hininga na lang siya nang hindi siya makahanap ng anggulo ng kagwapuhan sa harap ng salamin.
“Mukhang tama si Charles Darwin sa kanyang teorya” pabiro niyang sabi sa imaheng nakikita niya sa salamin.
Halos ipangligo ang kalahati ng kanyang pabango sa kanyang damit at sa kanyang katawan, nagbabakasakali na mababawi niya sa bango ang pagkukulang niya sa kakisigan.
Pagkatapos itsek ang kanyang pitaka at siguraduhing andun ang perang naipon niya sa loob ng isang buwan para sa pagkakataong ito, kaagad na siyang umalis ng bahay.“Morlocke, guard our humble abode!” payo niya sa kanyang aso na kung kausapin niya ay parang totoong tao at pinaandar na ang kanyang limang taong gulang na bisikleta.
Disyembre 16, 2010. Ito ang pang labing isang beses na pakikipag eyeball ni Eros sa babaeng nakilala niya lang sa birtwal na mundo ng pakikipagtext. Isang kausap na walang boses na naririnig at walang mukhang nakikita. Ngayong araw na ito makikita na rin ni Eros ang taong dati ay binibigyan niya lang ng katauhan base sa kanilang napag uusapan at base sa kanyang sariling persepsyon…yun ay kung hindi nanaman siya indyanin ng ka eyeball nito. Sa naunang sampung naka eyeball ni Eros, siyam ang hindi nagpakita sakanya. Ang isang nagpakita sakanya ay nagyayang umuwi pagkatapos na pagkatapos lang magburp sa nilibre niyang Chowking lauriat at Wintermelon tea.
Alam ni Eros na sa hitsurang ibinigay sakanya; patpatin, may liit na 5’2”, sarat ang ilong at makapal ang labi mahirap makahanap ng babaeng magugustuhan o magbibigay sakanya ng interes sa unang kita lamang. Alam niyang sa kasalukuyang panahon ng kpop, Justin Beiber at Piolo Pascual, mas ginugusto na ng babae ang mga matitigas na abs kesa matatalas na utak, mas interesante ang taong may makinis at maputing kutis kesa taong may maputi at pinong kalooban. Marami ng kababaihan ang walang paki kung di alam ni Adan ang ¼ ng 24, ang mahalaga may tatlong pares siya ng abs.
Pero, sa kabila ng alam niyang realidad ng pagpatol ng mga tao sa komersyalismo ng pisikal na kagandahan, meron pa ring maliit na pag asa sa kanyang sarili na may mga babaeng mas ginugusto pa rin ang mga lalaking masarap kausap kesa masarap lang tignan. Ito ang dahilan kaya kahit alam niyang parang kalokohan lang ang pakikipagtext sa mga taong hindi niya pa nakita ay pinatulan niya na rin ang kalokohang ito. Mas makikilala mo ang tao kung hindi inuunahaan ng paningin mo ang panghuhusga mo.
“I’m wearing oversized shirt, hanky on my neck and baggy shorts” text ni Eros habang nagbibisikleta.
Hindi man nakapagtapos ng pag aaral si Eros dahil sa maagang pagkaulila, isa siya sa mga pinakamagaling sa klase nila noong high school kaya kung englisan din lang ang usapan, hindi dudugo ang ilong niya dito.
“Now I’m starting to doubt my decision of meeting you lol. Mapagtritripan tayo sa suot mo:P” sagot ng kanyang ka eyeball na hindi rin magpapatalo pagdating sa englisan.
Sa lahat ng mga nakatext ni Eros, si Sam ang tingin niyang pinaka-interesante dahil sa pagiging witty at may sense of humor nito. Idagdag pa ang pagiging pareho nila ng kulo at kaweirdohan. Hindi sila nauubusan ng mga pinag-uusapan mula kay John Lennon, Bob Ong, Eraserheads mga bitwin at mga paranormal na bagay. Pareho rin nilang ayaw ang mga jejemon, emo at iba’t ibang kabaduyan na nauuso sa kasalukuyang panahon. Kaya pareho din silang nagtataka kung bakit pumatol sila sa pagkakaroon ng textmate at pakikipag eyeball.
“I’m just joking. I’m wearing shirt with the face of the members of Veatles” reply ni Eros.
“ok. I’m wearing t-shirt with a sign that reads “never give up”” sagot ni Sam.
“I think it is not a good idea that we should meet:P”
“hehe. I’m wearing t-shirt with the face of Ely Buendia”
“ok.see you ” reply ni Eros habang lalong pinabulusok ang kanyang bisikleta.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...