Pagkauwi ng bahay ay hinanap agad ni Sam ang kung anumang bagay na bago sa kanyang bag na posibleng bigay ni Eros. Dito niya nakita ang isang angpao na may nakasulat na “Wag umasa, walang pera ito. Pagmamahal lang.”
Natawa si Samantha, itinabi na lang niya ang bag sa isang sulok at nahiga sa kama hawak hawak ang angpao. Binuksan niya ito at sinimulang basahin ang sulat na nsa loob:
Sam,
Sumusulat ako ngayon sa itaas ng bubong ng bahay. Para akong pusa na naghihintay ng kapwa ko pusa na pwedeng landiin habang wala pang pwedeng dagiting ulam sa hapagkainan.
Kasama ko si Morlocke dito sa taas. Kilala mo na siya, diba? Silang dalawa lang ni Tonton ang hayop na madalas kong kasama.
Anong ginagawa mo? Huwag mo ng sagutin. Alam ko namang hindi ito text.
Kung gusto mo namang malaman ang ginagawa ko…basahin mo lang iyong unang paragraph. Oh diba? Umiikot-ikot lang iyong sinusulat ko?
Actually bukod sa’yo at sa fact na parang wala ka man lang anggulo na hindi maganda, iniisip ko kung may konsepto din ba ang mga hayop ng pangit at maganda. Iyong tipong nandidiri din ba ang aso sa kanyang kapwa aso kapag may galis ito o garapata? Gusto ko sanang tanungin si Morlocke kaso, 1) hindi ko pa napag-aaralan ang dog language at 2) baka may makakita sa aking kapitbahay at ipa-admit ako sa Mandaluyong.
Well, wala namang garapata o galis ang aso kong si Morlocke. I mean, buti pa siya. Bakit pala hindi pinipimples ang mga hayop? Assignment mo yan.
Maiba tayo, alam mo ba ang pinakagusto ko sa’yong mga mata? Iyong kakayahan nitong tumingin ng mas malalim sa pisikal nitong nakikita.
Humahanga’t laging nakatunganga,
ErosIpinatong ni Samantha ang sulat sa kanyang dibdib. Lumalampas sa kisame ang kanyang tingin. Nakangiti ito ngunit tumutulo ang kanyang luha.
Mga ilang minuto pa’y tumayo ito, pinunasan ang kanyang luha at kinuha ang kanyang cellphone.
Denial nito ang number ni Eros.
“Jollibee delivery, how may I help you, maam? Isa pong sisig po? Sizzling okay? Kuha po kayo ng free soup? Opo iyong lasang pinaglanggasan po ng bayabas na pinagbabaran din ng basahan? Opo! How about your drinks maam? NAWASA na lang po o tapwater? Okay, copy po maam. After 15 minutes po” tunog malanding dalaga ang boses ni Eros sa kabilang linya.
Hindi mapigilan ni Sam ang matawa sa binata, “uhm, orderin na rin kita. With extra gravy please”
“Hindi po ako masarap, pero pwede na ring pagtyagaan kapag laganap na ang taggutom at malnutrisyon”
Napahiga ulit ang dalaga hinahawakan na ang tyan habang tumatawa.
“first time mong tumawag ah!” medyo nagtataka ang binata sa kabilang linya.
“ikaw, bakit hindi ka man lang tumawag noong magkatext tayo?” balik na tanong ng dalaga. Naririnig niyang may tinitipang gitara sa kabilang linya.
“mas mahal ang load sa tawag tsaka ayaw kong nakikipag-usap over the phone. Hindi ko nakikita iyong facial expression ng kausap ko”
“just so you know, nakangiti ako ngayon. Wait, may naririnig akong naggigitara?”
“well, in your case palagi ka namang nakangiti. Ah iyong naggigitara si Morlocke iyon. Tinuturuan ko ng basic chords.”
Maririnig nanaman ang tawa ng dalaga sa kabilang linya. Kumakabog ng malakas ang puso ng binata.
“uhm actually, ako iyong naggigitara. May inaaral lang akong kanta--- I don’t Wanna Miss A Thing” pag-amin ng binata
“kantahin mo nga sa akin”
“maghuhulog ka ba ng barya?” biro ng binata.
“baka puso ko iyong mahulog”
Biglang tumahimik ang linya.
“Sa personal. Sa susunod na pagkikita kung meron pa ulit. Basta pagpasensyahan mo boses ko” pagbasag ni Eros ang katahimikang dumadaloy sa kable ng telepono.
“Bukas. Same time. Same place. Hintayin kita”
“Makapag-utos naman ito” pabirong sabi ng binata.
“Love.”
“ha?” nalilito, kinikilig at umaasa ang binata.
“Trinanslate ko lang iyong pangalan mo. Sige bye”
Hinimas ni Eros ang kanyang gitara at kinausap: “makisama ka bukas ah”
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...