“Pare, hindi ako against sa homosexuality at bisexuality naniniwala ako na hindi dapat sinira ng Diyos ang Sodom at Gomorrha. Naniniwala ako sa pantay na karapatan ng kahit sinong nilalang upang magmahal at makatanggap ng pagmamahal. Naniniwala din ako na dapat, paminsan-minsan, ay inilalabas natin ang pagiging isip at pusong bata natin. Isa yan sa sekreto ng kasiyahan at pagiging kontento sa buhay…”
“pare…”
“patapusin mo muna ako!... Pero, pare, para ipagpalit mo ang kababata at kaibigan mo sa isang estranghero na nagngangalang Sam, kung sam lupalop man siya nanggaling, kung sam maruming parte ng mundo mo man siya natagpuan…hindi ako makakapayag na magkamabutihan kayong dalawa sa pamamagitan ng paglalaro ng holen. Kakaiba ang fetish niyong dalawa!” walang pigtas na hinaing ng kaibigan.
“Ang daldal mo!...Si Sam ay si Samantha. Babae siya. Siya iyong kasama ko kagabi sa peryahan”
“Patay na! anong nilibre mo sa kanya? Hindi ba nagyayang umuwi pagkatapos mong pakainin? Bakit nagtetext pa rin sayo pagkatapos ng pagkikita niyo?? Kakaibang pangyayari ito pre. Hmmm baka inavail mo na iyong tinitindang gayuma ni Aling Mameng at pinatak mo sa palamig niya ah! Oh baka malapit ka nang mamatay at may isang bilyonaryo na nagbigay sayo ng babae para makaranas ka man lang ng “alam mo na” bago ka pumanaw sa balat ng daigdig”
Inagaw ni Eros ang kanyang cellphone kay Tonton at nakangiting tinipa ang keypad nito upang magreply sa dalaga.
“kelan ulit tayo magkikita?”
Sinilip ni Tonton ang reply ng kaibigan, napangisi at nagsalita gamit ang boses ng isang babae,
“uhm baka hindi na ulit tayo magkita Eros dahil tinakbuhan ako nung bilyonaryo na nagpopondo sa “Operation: Paligayahin si Eros BAgo Matsugi” hindi ko pa nga nakukuha yung full payment niya sa akin. Dibale, nasarapan naman ako sa libre mo. Lalo na iyong palamig, lasang food coloring na puspos ng magic sugar”
Beep beep beep
“okay lang ba sa’yo sa Sabado?my treat naman” reply ng babae.
“walangya pre pwede itong isulat sa napakaboring na kasaysayan ng buhay mo. Ito na ang pinakahighlight ng tila may energy gap mong buhay! May babaeng pumayag na makipagkita sa iyo ng dalawang beses! Kailangan kong sumama dahil baka sindikato yang babaeng yan. Hindi sa hindi kita mahal pre pero alam mo namang kwatro lang ang karakas mo kung ikukumpara ang pagmumukha sa larong lucky nine!”
“gusto mo bang gawin kitang pansahog na sebo sa iluluto kung pinapaitan?” nakatawang balik ni Eros sa kaibigan.
“okay yan. Okay lang bang magsama ako ng chaperone? Para kung sakaling mag-away tayo may pagsasangga ako kung sakaling gamitin mo sa akin iyong all-purpose swiss knife mo?” reply ni Eros kay Samantha.
“hahaha okay lang. may isasama rin ako. Iyong bestfriend ko. Medyo pagpasensyahan niyo nga lang dahil nung ginawa ng Diyos ang bibig niya nakalimutang lagyan ng preno”
“Sige. Mukhang magkakasundo sila ng kaibigan kong hari ng fliptopan”
“See yah” reply ni Sam.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...