Parang isang masayang panaginip. Parang bigla kang hinagis sa ere ng pag-asa at bumagsak sa lupain ng mga binuo mong pangarap.
Ganyan ang pakiramdam ni Eros pagkagising. Kung si Sam ay isang serbesa, siguradong nilasing siya nito nang gabing yun at posibleng ilang araw ang mararamdaman nitong hang-over.
“Salamat. Masarap ang balut pag pinarisan mo ng root beer”
“ngayon lang ulit ako naging pitong taong gulang”
“wag mong itatago sa baul ng pagtanda ang pagiging pusong bata. Sa pagiging bata tayo nagiging totoo”
“sana andito ka lagi upang ilabas sa baul at pagpagin ang pitong taon na ako”
Ngiti lang ang naisagot ng dalaga sa huling sinabi ng binata, bingyan niya ito ng holen.
“kada magkikita tayo, bibigyan kita ng holen.itago mo ha?”
“eh ako. Ano ibibigay ko sayo?”
“pati ba naman ibibigay mo sakin ako pa ang mamomroblema?” patawang sagot ng dalaga.
“pogs?”
“haha bahala ka!pero paborito ko yan”
“kelan ulit ako makakatanggap ng holen?”
Biglang napatingin si Eros sa pagtunog ng camera. Si Sam na biglang nagnakaw ng larawan ng binata.
“sa susunod na pagkikita” nakangiting tugon ng dalaga habang papalayo at winawagayway ang litrato na nakuha sa binata.
Ang mga ala-alang yun at ang holen na bumukol sa bulsa ng kanyang pantalon ang patunay na totoo ang mga nangyari kagabi.
“kelan kaya ulit kami magkikita? Shit! May baon siyang picture ko bago kami umuwi. Sana ‘wag niya itong gaanong titigan at baka sampalin siya ng katotohanan at….”
Blag! Blag! Blag!
Halos magiba ang pinto ng bahay ni Eros sa katok sa pinto.
“Ui Eros Erotiko! Saan ka nagpunta kagabi?! Walangya ka sabi mo kakain tayo ng balut at mag-iispot ng chikababes sa peryahan??puro chakabebe ang nakikita ko dito sa barangay natin eh”
Si Tonton. Ang kababata at bestfriend ni Eros. Malusog at maingay. Tumitimbang ng 90 kilo ang kabuuan nitong pagkatao. Hitsurang hybrid ni Vandolph Quizon at Bembol Roco dahil sa kawalan nito ng buhok. Sa kabuuan mukha siyang nabuhay na pampaswerteng Buddha na matatagpuan sa mga feng shui store.
Binuksan ni Eros ang pinto at inihagis kay Tonton ang take-out na dalawang balut kagabi.
“sa pagkakatanda ko ikaw ang nagsabi sa parteng pag-iispot ng chikababes..at dahan-dahan sa pagkain ng balut. Malakas maka-highblood yan. Mahihirapan kaming ihukay ka ni Morlocke sa likod bahay kapag bigla ka na lang bumulagta dyan at bumula ang bibig”
“Eros, Eros, Eros, pangalan mo’y di bagay sayo, anak ng diyosa ng pag-ibig at tiga-reto- ng dalawang taong dapat magmahalan? Pero ano? Ikaw, pare ko? Nangangamoy lupa ka na, wala ka pang nadadale, bro. Dila mo’y umuurong sa chicks, daig mo pa ang vibrator kapag nanginginig, hindi ka marunong manligaw, hindi marunong magpahaging. Alam mo dapat ang ngalan mo? Topet Torpedo, sampu na ang anak ko, si Morlocke pa rin ang kasama mo! Drops mic!” pa-rap na biro ng kaibigan na suki rin ng mga fliptopan sa kanilang kanto.
“Talsik mo lumalaway, man! wala ng habagat, nagawa mo pa ring magpaulan. At nagsalita ang hindi torpe, na parang inalog na gulaman ang nginig pag may kausap na babae. Sa imahinasyon ka lang magaling, mga pick-up lines mo laging buking. Yang bigay kong balut ay dadagdagan ko ng limang ostrich egg kapag may naiuwi kang chikabebs!” bawi ni Eros na ayaw magpatalo sa kaibigan.
“Tingngan mo wang Engos Engotiko ubungin ngo lang itong bangut sa bibing ko at babangi ango sayo” pilit na pagbuka ng napakalikot na bibig ni Tonton habang nginunguya ang balut.
Beeeep beep beep
Biglang inagaw ni Tonton ang cellphone ng kaibigan at inusisa kung sinong ekstranghero ang posibleng magtext sa kanyang kaibigan.
it was fun last night. Ipunin mo ang holen ko
Ang text ay nanggaling sa pangalang Sam na nakasave sa phonebook ni Eros.
Napatingin si Tonton sa kaibigan. Tulala at hindi maipinta ang pagmumukha habang binibilisang ubusin ang balut na nasa bibig. Pagkaubos nito ay uminom ng tubig ng hindi inaalis ang tingin sa kaibigan. Ng wala ng humaharang sa bibig nito para magsalita…
“Ipinagpalit mo na ako sa ibang lalaki!” wika niya.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...