“Pare, ayan na si Sam. Magbehave ka kundi wala kang balut sa akin!”
Mga kinse minutos lang ng paghihintay at paglingon-lingon ni Eros at ni Tonton ay naaninagan na nila si Sam. Nakashorts ito ng maikli at naka- Chuck Taylor na highcut at suot pa rin ang malaking backpack na dala niya sa unang pagkikita nila ni Eros. Nakasuot ito ng oversized black t-shirt na may pangalan ng bandang Ramones. Nakalugay ang buhok at nakasumbrero.
Kasama ni Sam ang isang babaeng nakasalamin na tila hindi marunong ngumiti. Mas maliit ito ng konti at mas malayong petite ang pangangatawan kesa kay Sam. Maputi at makinis ang kutis na tila suki sa mga mamahaling derma. Matangos ang ilong, chinita at may manipis na labi. Parang hybrid na European at Chinese.
Lalong lumitaw ang kagandahan ng dalawang dalaga ng lumapit na ang dalawa kay Eros at kay Tonton.
Naipako na ang ngiti at titig ni Eros kay Samantha samantalang si Tonton ay nakangangang tinitignan ang dalawa habang sinisiko siko ang kaibigan.“I think we'll be lucky tonight” nakatitig ang babae kay Tonton.
“huh?” napalitan ng pagtataka ang ngiti ni Eros.
“your friend brought a Buddha with him” hindi pa rin nito tinatanggal ang tingin kay Tonton.
Natanggal ang pagkatulala ni Tonton ng marealize niyang siya ang tinutukoy na Buddha ng babae.
“that’s rude, Mars!” lumapit si Sam kay Eros at Tonton,
“anyway, MArika this is Eros,”
tinignan ni Sam ng masama si Marika at sumenyas na makipagkamay dito. Bumuntong-hininga ang dalaga bago sumunod,
“and you must be Tonton? Nice to meet you!” nakipagkamay si Sam kay Tonton.“Ikinalulugod din kitang makilala Sam. At, ikaw lang ang ikinalulugod kung makilala, wala ng iba” tumitig ng masama si Tonton kay Marika at bumulong kay Eros, “pare ang gandang babae, ang pangit ng tabas ng dila. Bibigwasan ko yan!”
“okay! I think that went well!” pumalakpak si Sam para tanggalin ang tensyon.
“uhm siguro kumain muna tayo?”alangan si Eros kung lalapit pa siya ng konti kay Sam. Iyong uri ng lapit kung saan maghahalikan na ang mga balahibo nila sa kamay pero hindi dadampi ang kutis nila sa isa’t isa.
“Root Beer at balut ulit!” excited na itinaas ni Sam ang kanyang kamay at biglang iniakbay sa balikat ni Eros. Hindi alam ni Eros kung kikiligin o maiilang lalo na’t may malambot na dumadampi sa balikat nito.
Gusto niyang titigan si Sam sa ganito kalapit na distansiya, pero ayaw niya namang titigan siya ni Sam. Ayaw niyang mausog ang dalaga.
“haaaiii” pabulong na nabigkas ni Tonton na parang kinikilig na Vandolph Quizon.
“whatever!” makikita ang pandidiri sa mukha ni Marika.
Nagkatitigan si Marika at si Tonton at nag-irapan ang isa’t isa.
****
“ako na magbabayad” dinukot ni Eros ang kanyang wallet sa bulsa.Bago pa man magsimulang kumain ay kwinenta na sa utak ni Eros kung magkano ang naorder nila. Kanina habang namimili ng mga kakainin, masama ang titig nito kay Tonton na parang batang tinuturo lahat ng pagkain na makita at tila kakain para sa huling hapunan nito. Gayunpaman, nakwenta ni Tonton na hindi naman umabot sa 500 pesos ang kanilang naorder. Salamat kay Marika na isang bottled water lang ang inorder. Safe pa sa medyo pumapayat ng pitaka.
“nope. This is my treat, remember?” sumenyas si Marika sa nagbabantay na parang kumukuha ng bill sa restaurant.
Natawa si Eros sa ginawa ng dalaga, “uhm, walang bill dito. Itanong mo lang kay Kuya kung magkano nakain natin”
Ngumiti ang dalaga at nagpeace sign.
Tila nalaglag ang puso ni Eros sa tirang lugaw ni Sam.
“hindi ba nakakahiya na ikaw ang magbabayad?” alanganing tanong ni Eros.
“Pare hayaan mo. Give and take ang pagmamahal. Tsaka kapag naging mag-asawa na kayo ni Sam, conjugal na rin naman lahat ng property niyo” kumukumpas si Tonton habang nagpapaliwanag.
Napatingin sa kanilang grupo ang nagtitinda. Pabalik-balik ang tingin nito kay Eros at Sam. Nasa mukha nito ang pagtataka.
Napansin ni Tonton ang titig ng nagtitinda, “Koya, di mo pa ba napanood iyong Beauty and the Beast? Spoiler ha koya, nagkatuluyan iyong dalawang iyon” kumindat si Tonton kay Sam at Eros at umirap kay MArika.
“Did you just blush?!” usisa ni Marika kay Sam,
“hmmm I just lose my appetite” sabay tulak papalayo sa iniinom na mineral water.“Ang arte mo ah! Pwede bang mawalan ng gana ang isang tao sa tubig?! Subukan mo kayang sa oxygen mawalan ng gana. Mas masaya iyon!” iritableng nakatitig si Tonton kay Marika.
“Kuya, have you watched Dumbo?” pang-aasar ni Marika kay Tonton.
“Tara na nga” pinipigil ni Sam ang tawa. Inilapag niya ang 500 sa lamesa, “keep the change po, Kuya”
hinawakan niya ang kamay ni Eros at sinenyasan niya itong tumayo.
Mababakas ang gulat sa mukha ni Eros.
Mababakas ang gulat sa mukha ni MArika.
Mababakas ang gulat sa mukha ni Kuya na nagititinda.“Owemgee, Eros, did you just blush?!” tunog babae ang boses ni Tonton na hitsurang kilig na kilig.
BINABASA MO ANG
Ang Buhay Pag-ibig ni Eros
RomanceIto ay kwento ni Eros---isang lalaking hindi nabiyayaan ng mga katangiang kinakailangan upang matawag na gwapo ng mapanghusgang lipunan. Kung may isang maipagmamalaki ang binata ito ay ang kanyang pagiging mapagpakumbaba. Malas lang dahil hindi pwed...