Chapter 4

34 5 0
                                    

“Di ka ba natatakot na baka rapist o kaya kidnapper yung makaka eyeball mo?” tanong ng binata kay Sam habang nginangasab ang binili nilang mais.

Pasimpleng nagtataka si Eros kung bakit sa loob pa lang ng kalahating oras ay parang wala na ang dapat na ilang niya na normal lang sa unang pagkikita. Pakiramdam niya ay di niya kailangang magpa-impress sa dalagang nasa tabi niya dahil simula pa lang ay tinanggap na ng dalaga ang kabuuan nito.

“Di kasi tayo nagkakatext-an dati tungkol sa curriculum vitae natin pero blackbelter ako sa taekwondo, kaya kong ubusin ang ngipin nila bago nila ako mahawakan” tumawa si Sam bago humigop ng sabaw ng balut.

Di mawari ni Eros kung saang lupalop ng daigdig galing ang babaeng nasa tabi niya. Di niya lubos maisip na ang ganito kagandang babae ay tatagal na kasama siya, blackbelter sa isport na panglalaki at kakain ng balut na parang istambay sa kanto.

“Paano pag may deadly weapons sila?”

“Nagdala rin ako ng Swiss all-purpose tool kit” sabay pakita sa isang dangkal ang laki na kit na may kutsilyo, abrelata at kung ano ano pang matulis na bagay.

“Nagdala rin ako ng baril kung sakali” sagot ng babae sabay kuha nito sa bagpack kung saan niya itinago ang kanyang Polaroid camera.

Bigla namutla ang binata sa narinig at di alam ang gagawin at sasabihin sa mga naririnig at nakikita.

Thew theew thew

Tunog ng baril sabay sa malakas na halakhak ni sam.

“Toy gun siya nakalimutan kong sabihin” di parin maalis ang tawa nito.

“Whew! gusto ko nang biglang mawala sa kinauupuan ko sa mga naring ko sayo. Parang totoo ah” nakakunot noo si Eros.

“Maraming bagay talaga sa mundo ang nakakadaya sa paningin” napalitan ng ngiti ang tawa ni Sam sabay inom sa Root Beer na nakalata.

Napangiti rin ang lalaki pero hindi lang dahil sa sinabi ni Sam kundi sa lahat ng mga nangyari sa loob ng isang oras na lalong nagpapamangha sakanya sa babae.

“Di pa talaga kita masyadong kilala” wika nito habang nakatitig kay Sam.

“Sa mahigit ilang buwan nating magkatext, kung sakaling walang nagsinungaling sa ating dalawa, mas kilala na siguro natin ang isat isa kesa sa mga taong madalas nakapaligid sa atin”

“Kasalanan mo yan, kung ano ano kasing sinasabi mo sakin eh” pabirong sabi ni Eros.

“Mas madaling magbulalas sa taong di mo personal na kilala dahil wala silang pagkakataong husgahan ka”

“Nakakatuwa noh?higit ilang buwan tayo magkatext pero hindi natin alam ni birthday ng isat isa”

“Makikilala mo ang isang tao hindi base sa mga impormasyon na makikita sa bio data niya.”

Tumitig si Eros sa mala anghel na babae sa harapan niya. Nakangiti rin itong pabalik sakanya.

“Masarap maniwala sa paraiso sa mga ganitong pagkakataon lalo na kung nagbagsak ang diyos ng ebidensya sa harapan mo”

Ngumiti ang dalaga sabay kain sa sisiw ng pangalawang balut na hawak hawak niya.



Ang Buhay Pag-ibig ni ErosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon